Lifestyle show ni Rhian kasado na kapalit ng Dear SV; KKK ni Sam winner | Bandera

Lifestyle show ni Rhian kasado na kapalit ng Dear SV; KKK ni Sam winner

Ervin Santiago - January 27, 2025 - 06:00 AM

Lifestyle show ni Rhian kasado na kapalit ng Dear SV; KKK ni Sam winner

Rhian Ramos at Sam Verzosa

KUMPIRMADONG ang lifestyle show ni Rhian Ramos ang pansamantalang papalit sa public service program ni Sam Verzosa na “Dear SV” sa GMA 7.

Nakachikahan ng BANDERA at ilang piling miyembro ng entertainment media ang Tutok To Win Partylist Representative kamakailan sa last taping ng “Dear SV” sa isang lugar sa Quaipo, Maynila.

Kailangan munang bitiwan ni SV ang kanyang programa sa GMA dahil magsisimula na ang campaign period para sa May 12, 2025 midterm elections kung saan tatakbo siyang alkalde ng Maynila.

After ng halalan ay saka pa lamang maaaring bumalik si Sam sa “Dear SV” na in fairness, talagang pinanonood namin tuwing Sabado ng 11:30 p.m. sa Kapuso Network.

Baka Bet Mo: Engagement nina Rhian Ramos at Sam Verzosa fake news; ‘Dear SV’ tuloy ang pagtulong, pagpapaiyak sa mga Pinoy

Ayaw pang banggitin ng kongresista kung ano ang magiging title ng show ni Rhian pero definitely, ibabandera at ia-announce raw ito mismo ng GMA very soon.

“Si Rhian muna ang ipapalit…kung ano yung mga passion niya, like travel, food, lifestyle show. Actually, napaka-supportive ni Rhian.

“Parang parehong project pa rin namin. Pareho kasi kami ni Rhian ng mga passion, hobbies. Puwedeng siya ang magtuloy dahil may mga limitasyon muna kasi ako,” sey ni SV.

Samantala, para sa episode ng “Dear SV” na kinunan kamakailan ay ipinagmalaki ni Sam ang bago niyang adbokasiya sa pagbibigay ng tulong – ang KKK (Kalusugan, Kaalaman, Kabuhayan).

Dito, bukod sa pamamahagi ng free medicines, free checkups, medical mission (sa pamamagitan ng medical vans) ay nagbigay din ng 80 scholarship grants, mahigit 100 SioMaynila business carts at 20 sari-sari store package ang “Dear SV” sa mga nangangailangan nating mga kababayan.

“Parte po ito ng ating adhikain under KKK. Ito ang Kalusugan, Kaalaman, Kabuhayan. Sa ilalim po nito, nagbibigay po tayo ng ayuda sa ating mga mahala na kababayan in terms of education, business and health.

“Hindi na po ito bago sa akin. Matagal ko na po ito ginagawa kahit noong hindi pa tayo pumapasok sa politika. Bakit? Dahil gusto ko i-pay forward ang mga blessings na binigay ni Lord sa akin,” aniya pa.

Happy di si Sam dahil sa mga parangal na natanggap niya last year, kabilang na ang Philantrophist of the Year, Excellence Award for Outsanding Public Service Program para sa Dear SV, at Excellence Award for Outstanding Public Service Program Host mula sa Rising Tigers Charity Ball 2024.

Binigyan din siya ng parangal ng international award-giving body sa Los Angeles, California, para pa rin sa public-service program niyang “Dear SV ”

“I am grateful and humbled, lalo na two years pa lang sa telebisyon ang Dear SV. Kahit dalawang taon pa lang ang show ko, marami na ang nakaka-appreciate ng mga ginagawa namin sa programa,” pahayag ni Sam nang mainterbyu namin siya last year.

Sa diretsahang tanong kung bakit nais niyang maglingkod bilang mayor ng Manila, “Bangkarote na po ang ating mahal na siyudad. Masayado na ho itong napabayaan ng mga namumuno satin sa napakatagal na panahon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sa tingin ko may igaganda pa ang Manila. Pwede pa itong umasenso, umunlad. At ito po ang tututukan natin kapag tayo ay palarin na maihalal bilang mayor ng Manila,” pahayag pa ni Sam Verzosa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending