Engagement nina Rhian Ramos at Sam Verzosa fake news; 'Dear SV' tuloy ang pagtulong, pagpapaiyak sa mga Pinoy | Bandera

Engagement nina Rhian Ramos at Sam Verzosa fake news; ‘Dear SV’ tuloy ang pagtulong, pagpapaiyak sa mga Pinoy

Ervin Santiago |November 17,2023
facebook
share this

Engagement nina Rhian Ramos at Sam Verzosa fake news; ‘Dear SV’ tuloy ang pagtulong, pagpapaiyak sa mga Pinoy

Ervin Santiago - November 17, 2023 - 08:14 AM

Engagement nina Rhian Ramos at Sam Verzosa fake news; 'Dear SV' tuloy ang pagtulong, pagpapaiyak sa mga Pinoy

Sam Verzosa at Rhian Ramos

NAPAIYAK ang kongresista at TV host na si Sam Verzosa sa harap ng entertainment media habang nagkukuwento tungkol sa kanyang public service show.

Ang tinutukoy namin ay ang kanyang TV program na “Dear SV” na mapapanood na ngayon sa GMA 7, simula sa November 18, Sabado, 11:30 p.m..

Umere ang unang season ng “Dear SV” sa CNN at ang next season nga ay eere at babandera na sa GMA 7, ang magiging bagong tahanan ni Cong. Sam.

Habang nagpapaliwanag at nagkukuwento ang Tutok To Win Party List Representative tungkol sa mga natutulungan ng kanilang programa ay hindi niya napigilan ang maging emosyonal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SV (@samverzosa)


“Ang programang ito, sabi nga ni Kuya Will (Willie Revillame), sabi ng team ko, nakikita ko na programa para sa bawat Filipino.

“Nagbibigay-inspirasyon, nagbibigay ng pag-asa, nagbibigay ng kaunting luha at sa dulo nagbibigay po ng kaunting saya,” pahayag ni Sam habang nangingilid ang luha.

Pero tuluyan na nga siyang napaiyak sa sumunod niyang pahayag, “Napakahirap pong gawin ang mga pinupuntahan namin, ang team ko po napakagaling gumawa ng script, ng pagpili ng mga tinutulungan, ng pagsama roon.

Baka Bet Mo: Rhian, Sam magkasama na sa GMA 7, chinika ang love story nila: ‘Pareho ang gusto namin at isa ‘yun sa nag-connect sa amin’

“Ang layo ng mga tinutulungan namin, pinupuntahan namin. Nagkakasakit na po sila. Iyong huling pinuntahan namin sa Davao, (tuluyan nang umiyak) halos naospital na po ang isa naming kasama dahil sobrang pagod.

“So, hindi ito programa lang, talagang ano ito, advocacy po namin ito at sobrang proud namin dito.

“Sana po magbigay-inspirasyon, pag-asa, at saya sa lahat, maraming-maraming salamat,” aniya pa.

Bago ang makabagbag-damdaming eksenang ito ay masaya pang nakikipagchikahan si SV sa members ng entertainment press.

Nagbibiro pa nga ito na dahil nasa GMA ang kanyang girlfriend na si Rhian Ramos, ay kailangang nasa Kapuso Network din siya.

Hindi naman bago ang pagtulong na ginagawa ni Sam sa mga kapwa natin Filipino at mas marami lang siyang maaabot ngayon dahil sa programang “Dear SV.”

At dahil sa show na ito, lalong namulat ang kongresista sa reyalidad ng buhay ng mga kababayan nating nangangailangan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rhian Ramos (@whianwamos)


Isa sa hindi niya makakalimutang encounter ay ang 86 taong gulang na pedicab driver, si Lola Fedeng.

“To me, that was really an eye opener. Imagine, Lola Fedeng still works at her old age.

“She actually represents the majority of Filipinos who belong to the poverty line, but are still working hard to make both ends meet. Her story is really inspiring. That’s what we want to share, to inspire more,” dagdag pa ni SV.

Marami pang nakakaiiyak at nakaka-inspire na kuwento katulad ni Lola Fedeng pero ang tiyak rito’y matapos nilang magpadala ng tulong binabalikan nila ang mga ito para kumustahin at makita kung may progress ba iyong ibinahagi nilang tulong sa mga ito.

Nasabi pa ni SV na excited siya sa bagong home network nila, ang GMA, “This will give us more opportunities to share more inspiring stories to many Filipinos through the network’s reach.

“Dear SV highlights not only individuals but also the communities that hurdle all the hardships to improve and uplift their conditions in life.

“My advocacy is to help the helpless who work hard to improve their standard of living. And that’s exactly what Dear SV stands for,” sey pa ni Sam.

Baka Bet Mo: Sharon sa ‘pagbabalikan’ nila ni Gabby sa ‘Dear Heart’: ‘Matagal na ‘kong prepared! He’s still good-looking…’

Samantala, nasabi ni SV na very supportive si Rhian sa kanyang show. In fact, sumasama pa ito minsan sa mga shoot.

“One time wala sa plano kaming dalawa ang nagbigay ng regalo sa taong karapat-dapat. Bigla siyang lumabas sa isang episode at siya mismo ang nag-abot ng regalo. Sa Davao nangyari iyon,” sabi ng kongresista.

“Si Rhian matagal na rin gumagawa ng mga charities niya by herself to her fanclub, sa birthday niya. Ang maganda niyan, iisa ang advocacy namin.

“Isa rin iyon sa naging ano namin noong nag-uumpisa kaming magkakilala, pangarap niya na magtayo ng community na sustainable na makakatulong sa mga tao. Isa iyon sa nag-connect sa amin,” sey pa ni SV.

Isa raw iyon sa minahal ni Sam kay Rhian, “Siyempre, gusto natin may puso rin. Since nasa Kapuso kami eh nakita ko iyong ganda ng damdamin niya.”

Samantala, mariing itinanggi ni Sam na engaged na sila ni Rhian, “Ewan ko po, wala naman, hindi ko alam kung sana nila nakuha iyan. Wala po talaga.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inamin naman ni SV na napag-uusapan na nila ni Rhian ang tungkol sa pag-level up ng kanilang relasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending