Sharon sa 'pagbabalikan' nila ni Gabby sa 'Dear Heart': 'Matagal na 'kong prepared! He’s still good-looking...' | Bandera

Sharon sa ‘pagbabalikan’ nila ni Gabby sa ‘Dear Heart’: ‘Matagal na ‘kong prepared! He’s still good-looking…’

Ervin Santiago |September 17,2023
facebook
share this

Sharon sa ‘pagbabalikan’ nila ni Gabby sa ‘Dear Heart’: ‘Matagal na ‘kong prepared! He’s still good-looking…’

Ervin Santiago - September 17, 2023 - 10:12 PM

Sharon sa 'pagbabalikan' nila ni Gabby sa 'Dear Heart': 'Matagal na 'kong prepared! He’s still good-looking...'

Gabby Concepcion at Sharon Cuneta

NAGPIPIYESTA ngayon ang mga loyal fans ng ex-couple na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion dahil sa wakas ay matutupad na rin ang matagal na nilang wish.

Maswerte rin ang ilang members ng entertainment press dahil bago pa magkasama sa isang stage sina Mega at Gabo ay nagdesisyon silang magbigay ng patikim sa magaganap na reunion project nila, ang “Dear Heart The Concert” produced by NY Entourage Productions and WEU Events Managemenr Services.

Naganap ang muling pagkikita ng dating mag-asawa sa mediacon ng “Dear Heart” sa Okada Manila nitong nagdaang Biyernes, September 15. Huling nagkasama ang dalawa sa isang stage sa 12th Gabay Guro Gathering noong September, 2019.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


In fairness, talaga namang may dala pa ring kakaibang kilig at good vibes ang ShaGab tandem kaya kahit ang members ng press na dumalo sa event ay tuwang-tuwa at hindi maiwasang magpaka-fan mode.

“First time I saw him since Gabay Guro,” ani Mega. At mula noon ay hindi na sila nagkita. “Kasi parang ano, okay na kami nung Gabay Guro, e.

Baka Bet Mo: Sharon never nagsalita ng masama kay KC tungkol kay Gabby: ‘Naisip ko nga, dapat yata siniraan ko na lang’

“After that, parang, ‘Ano kayang nangyari? Bakit cold na naman siya?’ ‘Ano nga bang nangyari? Ano na naman ang ginawa ko?’ Yung ganu’n,” pagbabahagi pa niya.

Pero ano nga ba ang kanyang na-feel nang makita niya si Gabby makalipas ang mahabang panahon?  “Wala lang, kasi we’re gonna do a show, e.

“Matagal na akong prepared. Okay naman. I was very glad to see him. He’s still good-looking. He doesn’t look his age. Neither do I,” natatawang biro ni Mega.

Bukod sa reunion project nila na “Dear Heart The Concert” na mapapanood na sa SM MOA Arena sa October 27, may balita noon na gagawa rin sila ng pelikula, pero hindi nga ito natuloy.

Ayon sa movie and TV icon, sa kampo raw ni Gabby nagkaroon ng problema, “Never on my part. It was always Gabby’s call. In fact, we had several meetings before with Star Cinema and then things didn’t work out. I was always ready.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“And if you’re going to ask kung magkakaroon kami ng movie after the concerts, I think it will all depend on the dynamic that we will experience while doing the concerts.

“Kung magiging okay lahat ang flow, kung magkakasundo kami, kung walang problema, walang issues, walang hassle, walang stress, then there’s no reason for us not to.

“But at this point in our lives, parang mas imporante yung may peace na lang for the sake of our daughter (KC Concepcion),” pagbabahagi ni Shawie.

Sa tanong naman kung ano ang tingin niya kay Gabby na naging mahalagang bahagi rin ng kanyang buhay, “I will always be thankful that he is the father of my eldest daughter.

“I will always respect the good times that we shared, and I will always remember him fondly,” sey pa niya.

Samantala, naikuwento rin ni Sharon na pinanood uli niya ang pelikula nila ni Gabby na “Dear Heart” na ipinalabas noong 1981, kung saan nagsimula ang kanilang love story in real life.

“The purity, the innocence where we started. And in the end, I said, ‘Oh, my God. That is the boy I fell in love with. That version, that moment in time, who Gabby was, where he was during that time,” sabi pa ni Sharon Cuneta.

By the way, nagpasalamat din sina Gabby at Sharon sa mga presenters ng kanilang concert, kabilang na riyan ang InLife, MWell at Bingo Plus. This is co-presented by Philippine Airlines, Okada Manila, and LBC Express.

Sharon, Gabby muling pinakilig ang mga Sharonians, nag-kiss sabay hug sa presscon ng kanilang ‘Dear Heart’ concert

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Heart sa mga nagsasabing sad ang buhay niya: ‘Dear, mabigat lang ‘yung lashes ko…ano bang gusto n’yo umiyak ako ng dugo?!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending