Heart sa mga nagsasabing sad ang buhay niya: ‘Dear, mabigat lang ‘yung lashes ko…ano bang gusto n’yo umiyak ako ng dugo?!’
STRUGGLE pa rin para sa Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista ang araw-araw na pagkikipaglaban sa buhay.
Ayon sa wifey ni Sen. Chiz Escudero, sa kabila ng kanyang magandang showbiz career sa Pilipinas at maging sa ibang bansa, may mga pagkakataon pa rin na inaatake siya ng mga kanegahan.
Ito’y dahil na rin sa mga taong toxic na walang ginawa kundi ang magpasabog ng negative vibes sa sociap media, lalo na yung nga mahilig manghusga ng kanilang kapwa.
Hanggang ngayon ay patuloy na nakakatanggap ng panlalait at pambabastos mula sa mga bashers at haters sa socmed kahit wala naman daw siyang ginagawang masama sa mga ito.
“It gets to you, like how people ask you, ‘When are you gonna get pregnant?’ They ask you, ‘Oh, you’re not really happy because you have sad eyes.’ Dear, mabigat lang ‘yung lashes ko! You know, nakakainis,” pahayag ni Heart sa isang panayam.
View this post on Instagram
Aniya pa, “Alam mo ‘yon? Guys, this is my life, whoever said I didn’t want a baby? Who said I didn’t want to be a mom? I was a mom, right?
“Bubuklatin niyo ba ulit ‘yung buhay ko again and again? What, do you want me to cry blood or something to satisfy you? It’s not like that,” ang mariin pa niyang sabi.
Pag-amin pa ng Kapuso star, “I fight for myself every day. Even with the people that love me, I still have to correct them, you know? And I love it.
“I love it that I do that for myself now because before I was such a pushover,” chika pa niya.
Nagbigay din siya ng advice sa lahat ng mga kababaihan na patuloy na nakikipaglaban sa buhay sa gitna ng mga kanegahan sa kapaligiran.
“Don’t pressure yourself so much. Okay fine, you’re pressured, I get it, but it’s part of the process. Eventually you will develop immunity to everything that you’re feeling and you’ll just get stronger and stronger.
“You’re gonna be the number one person that’s gonna defend yourself. And your dog,” birong pahayag pa ni Heart.
“And of course you’ll meet someone great naman but at the end of the day, it’s still about yourself. It’s okay, you’ll be fine,” pahabol pa niya.
Barbie Forteza ibinandera ang ipinatatayong dream house: ‘Dear self, I am so proud of you!’
Vice kay Vhong: Hinding-hindi ka namin nakakalimutan, araw-araw nagdadasal kami para sa ‘yo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.