Vice kay Vhong: Hinding-hindi ka namin nakakalimutan, araw-araw nagdadasal kami para sa 'yo | Bandera

Vice kay Vhong: Hinding-hindi ka namin nakakalimutan, araw-araw nagdadasal kami para sa ‘yo

Ervin Santiago |November 22,2022
facebook
share this

Vice kay Vhong: Hinding-hindi ka namin nakakalimutan, araw-araw nagdadasal kami para sa ‘yo

Ervin Santiago - November 22, 2022 - 07:10 AM

Vice kay Vhong: Hinding-hindi ka namin nakakalimutan, araw-araw nagdadasal kami para sa 'yo

Vice Ganda at Vhong Revilla

ARAW-ARAW ipinagdarasal ng mga hosts at production staff ng “It’s Showtime” ang Kapamilya star at komedyanteng si Vhong Navarro.

Naka-score uli si Deniece Cornejo sa kasong rape na isinampa niya laban sa TV host-comedian matapos nga itong ilipat kahapon sa Taguig City Jail sa Camp Bagong Diwa, Taguig City mula sa National Bureau of Investigation detencion center.

Bago nga mangyari ito, nagbigay ng mensahe ang kaibigan ni Vhong na si Vice Ganda sa finale ng 13th  anniversary ng “It’s Showtime” nitong nagdaang Sabado, November 19.

Naging emosyonal ang buong produksyon dahil hindi nga nila nakasama si Vhong sa kanilang selebrasyon dahil nga nakakulong ito kaugnay ng kasong panggagahasa umano kay Deniece.

Narito ang kabuuang mensahe ni Vice, “Vhong, hinding-hindi ka namin nakakalimutan. Araw-araw, naaalala ka namin.

“At araw-araw, nagdadasal kami para sa iyo. Araw-araw, isa ka sa mga hiling na ibinibigay at ibinubulong namin sa Diyos.

“Kasama ka namin dito at excited na makasama ka naming muli dahil alam naming makakasama ka namin.

“Mahal na mahal ka namin, Vhong Navarro.

“Ang tagumpay ng Showtime noon, ngayon, na magiging tagumpay niya pa sa kinabukasan, ay kasama ka Vhong Navarro,” lahad pa ng Phenomenal Box-Office Star.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)


Kahapon, naglabas ng official statement ang NBI sa kanilang Facebook account na nagsasabing nasa Taguig City Jail na ang komedyante sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Makikita sa tatlong litratong ipinost nila sa FB ang pagdating ni Vhong sa naturang kulungan.

Ang caption na nakalagay dito ay, “After completing all the required health protocols, actor Vhong Navarro has been transferred to the BJMP in Taguig City at about 4 o’ clock this afternoon.”

Ayon sa report ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), bago tuluyang  ipasok sa kulungan si Vhong kasama ang iba pang preso ay kinailangan muna siyang  sumailalim sa quarantine.

Matatandaang nitong nagdaang November 15 ay nag-issue ng commitment order ang Taguig Regional Trial Court Branch 69 para mailipat na si Vhong sa Taguig City Jail.

Vhong Navarro ‘masusunog’ ang ipon, sey ni Cristy Fermin: ‘Wala na siyang programa, wala na siyang trabaho’

Vice ibinandera ang kahulugan ng regalong singsing kay Ion: Gusto ko araw-araw maramdaman mo rin ‘yung napi-feel ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zeinab Harake araw-araw umiiyak nang maghiwalay sila ni Skusta Clee, mensahe sa sarili: Huwag ka nang magpapaabuso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending