Vhong Navarro 'masusunog' ang ipon, sey ni Cristy Fermin: 'Wala na siyang programa, wala na siyang trabaho' Bandera

Vhong Navarro ‘masusunog’ ang ipon, sey ni Cristy Fermin: ‘Wala na siyang programa, wala na siyang trabaho’

Therese Arceo |October 22,2022
share this

Vhong Navarro ‘masusunog’ ang ipon, sey ni Cristy Fermin: ‘Wala na siyang programa, wala na siyang trabaho’

Therese Arceo - October 22, 2022 - 12:39 PM

Vhong Navarro 'masusunog' ang ipon, sey ni Cristy Fermin: 'Wala na siyang programa, wala na siyang trabaho'

NAGBIGAY komento ang kolumnistang si Cristy Fermin sa kasalukuyang lagay ng Kapamilya TV host-comedian na si Vhong Navarro.

Sa kanyang YouTube channel na “Showbiz Now Na” ay napag-usapan nila na marami ang nababahala sa magiging lagay ng komedyante.

“Alam mo, ang daming nag-iintindi dito. Hindi lang dahil sa kasiguruhan ng magiging posisyon ni Vhong Navarro dito,” pagsisimula ni Nanay Cristy.

Pagpapatuloy niya, “Lahat daw ng naiipon niya, kasi wala na siyang kinikita ngayon, wala na siyang programa, wala na siyang trabaho.Lahat daw ng naiipon niya ay masusunog, mawawala dahil dito sa kasong ito.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)

Agree naman si Nanay Cristy sa mga sinasabi nang nakararami patungkol sa kondisyon ng Kapamilya star.

Chika pa ni Morly, “‘Yung mga nakalaban niya, mga milyonaryo ‘to, Ate Cristy. Kumbaga, mahaba ang pisi. Kung gaano man kahaba ang tatakbuhin ninyo, may pera ‘tong ilalabas. Si Vhong, artista may pera… Pero hanggang saan? Hanggang kailan?”

Dahil na rin sa kawalan ng trabaho at pumapasok na kita ay talagang paniguradong malalagas ang pera niya sa laki ng gastos.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)

“Kasi isipin mo, wala kang trabaho. Ikaw ay pinagdamutan ng pagkakataon na kumita. Magkano ang isang abogado ngayon? Acceptance fee, tapos ‘yung pagka dumadalo kayo sa hearing, malaki rin ang kabayaran.”

Matatandaang kasalukuyang nakakulong si Vhong sa National Bureau of Investigation dentention center matapos ilabas ng Taguig Regional Trial Court Branch 69 noong Setyembre 19 ang warrant of arrest kaugnay ng reklamong rape na isinampa sa kanya ng modelong si Deniece Cornejo.

Naunang nang mag-piyansa si Vhong para sa isa pang kaso na acts of lasciviousness ngunit dahil non-bailable ang kasong rape ay tuluyan na siyang ipiniit sa NBI.

Sa ngayon ay ongoing pa rin ang petisyon ng “It’s Showtime” host na makapagpiyansa at pansamantalang makalaya.

Related Chika:
Vhong excited na sa pagbabalik ng madlang pipol sa studio ng ‘Showtime’: Soon mangyayari na yan!

Vhong Navarro kinampihan ng ex-wife na si Bianca Lapus: The truth will prevail, walang iwanan…

#LabanKungLaban: Vhong Navarro, Deniece Cornejo muling maghaharap sa korte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending