Vhong excited na sa pagbabalik ng madlang pipol sa studio ng 'Showtime': Soon mangyayari na yan! Bandera

Vhong excited na sa pagbabalik ng madlang pipol sa studio ng ‘Showtime’: Soon mangyayari na yan!

Ervin Santiago |March 28,2022
share this

Vhong excited na sa pagbabalik ng madlang pipol sa studio ng ‘Showtime’: Soon mangyayari na yan!

Ervin Santiago - March 28, 2022 - 07:30 AM
Vhong Navarro at Vice Ganda

Vhong Navarro at Vice Ganda

UMAASA ang TV host-actor na si Vhong Navarro na very soon ay muli na nilang makakasama ang madlang pipol sa studio ng “It’s Showtime.”

Ngayong medyo niluwagan na ang  pandemic restrictions sa bansa, partikular na sa Metro Manila, umaasa si Vhong na papayagan na uli ng ABS-CBN ang magkaroon ng live audience sa kanilang studio.

“Ang sarap ng pakiramdam na nagbabalik na tayo sa normal ulit unti-unti. Excited ako kapag may madlang pipol nang magbabalik.

“Kulang kasi kapag napapanood lang tayo sa TV, dapat mapanood tayo nang live. At gagawin ‘yun ng ABS-CBN, dahil gusto natin pasayahin sila. Soon mangyayari ‘yan,” pahayag ng komedyante sa panayam ng ABS-CBN matapos mag-renew ng kontrata bilang Kapamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)


Sey pa ni Vhong, siguradong maraming naghihintay na sorpresa at pasabog ang network kapag pinayagan nang magkaroon uli ng live audience ang kanilang noontime show.

Samantala, inamin ng TV host-actor na may naramdaman siyang kaba nang muling pumirma ng exclusive contract sa sa ABS-CBN lalo pa’t meron pa ring pandemya. Idagdag pa riyan ang problema ng network sa prankisa.

“Kaba na may kasamang saya at hindi makapaniwala na nangyayari ito kasi parang nu’ng mga panahon na marami tayong pinagdadaanan, hindi ko alam na mayroon ulit pagre-renew at pagtitiwala sa akin,” pahayag ni Vhong.

Tungkol naman sa pagiging loyal Kapamilya, sinabi ng dating member ng Streetboys na isang napakalaking blessing ang muli niyang pagpirma ng kontrata sa Kapamilya network.

At feeling survivor din daw siya ngayon, “Dahil naging matatag ako sa bawat pagsubok na pinagdaanan natin. Hindi lang sa pandemya, marami tayong pinagdaanan lalo na ang ABS-CBN.

“Pero sa pinagdaanan kong ‘yun, naging matatag ako dahil sa suporta ng ating pinakamamahal na boss. Kung wala sila, bibigay ako nun pero dahil nandun sila, lumalakas loob ko,” diin pa niya.

Vhong napaiyak nang bigyan ni Willie ng P1-M bilang tulong matapos mabugbog at maospital

Vhong isa sa mga artistang natulungan ni Willie; lamang-loob ng manok ang handa sa birthday

Vice Ganda magbabalik pelikula na nga ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending