Vhong Navarro kinampihan ng ex-wife na si Bianca Lapus: The truth will prevail, walang iwanan…
IPINAGTANGGOL ng aktres na si Bianca Lapus ang ex-husband niyang si Vhong Navarro sa gitna ng muling pagbuhay sa mga kinasangkutang rape at acts of lasciviousness charges.
Matapang na dumepensa ang dating asawa ni Vhong sa mga taong nambabagsak sa komedyante at kumakampi sa dating modelo na si Deniece Cornejo.
Umapela kasi sa Court of Appeals si Deniece matapos ibasura ng Department of Justice ang mga kasong isinampa niya laban kay Vhong.
At matapos ngang katigan ng CA ang complainant, anumang araw mula ngayon ay isasampa na ng Taguig Prosecutor’s Office ang mga mga reklamong rape at acts of lasciviousness laban kay Vhong, base nga sa inilabas na resolusyon ng Court of Appeals.
Inihayag din ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na susundin nila ang ipinag-utos ng CA hinggil sa kaso nina Vhong at Deniece.
View this post on Instagram
Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, nag-post nitong nagdaang Martes si Bianca Lapus ng mga litrato nila ni Vhong kasama ang kanilang anak na si Isaiah “Yce” Navarro.
Ang nasabing photo ay kuha noong July 10 sa graduation ni Yce sa University of Sto. Tomas kung saan siya nagtapos ng kursong Bachelor of Arts in Communication.
Nabanggit ng aktres na mabuting tao ang Kapamilya TV host-comedian at responsable ring tatay. Mariin din niyang sinabi na nasa panig ni Vhong ang katotoohanan.
“Standing by this GOOD MAN. Not perfect but definitely a good kind hearted man.
“Otherwise it won’t be easy for me to become friends and co parent with him. The truth will prevail. Walang iwanan,” sabi ng celebrity mom sa kanyang tweet.
Nagbahagi rin siya ng isang quote card kung saan nakasaad ang mga katagang, “When you destroy someone’s life with lies, take it as a loan, it will come back to you with interest.”
Ikinasal sina Bianca at Vhong noong Jan. 20, 1998. Nagdadalang-tao na ang aktres nang nagpakasal sila ngunit ilang taon lamang ang lumipas ay naghiwalay din sila.
Nag-file ng annulment petition sa korte si Vhong noong May 5, 2005 at pagsapit ng July, 2008 nang mapawalang-bisa ng Court of Appeals ang kanilang kasal.
https://bandera.inquirer.net/280044/bianca-lapus-tinamaan-na-rin-ng-covid-sobrang-hirap-ang-sakit-nakakapraning
https://bandera.inquirer.net/316766/vhong-navarro-inasar-si-ruffa-gutierrez-sa-ex-boyfriend-na-si-john-lloyd-cruz
https://bandera.inquirer.net/292672/john-lapus-dasal-ko-kay-lord-kapag-namatay-ako-one-time-big-time-na-lang
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.