Zeinab Harake araw-araw umiiyak nang maghiwalay sila ni Skusta Clee, mensahe sa sarili: Huwag ka nang magpapaabuso | Bandera

Zeinab Harake araw-araw umiiyak nang maghiwalay sila ni Skusta Clee, mensahe sa sarili: Huwag ka nang magpapaabuso

Ervin Santiago |September 07,2022
facebook
share this

Zeinab Harake araw-araw umiiyak nang maghiwalay sila ni Skusta Clee, mensahe sa sarili: Huwag ka nang magpapaabuso

Ervin Santiago - September 07, 2022 - 10:51 AM

Zeinab Harake muntik nang ibenta ang bahay

Skusta Clee at Zeinab Harake

ARAW-ARAW umiiyak ang vlogger at social media influencer na si Zeinab Harake noong magkahiwalay sila ni Skusta Clee.

Sa katunayan, plano na sana niyang ibenta ang bahay niya noong mga panahong wasak na wasak siya nang magdesisyon na siyang hiwalayan ang rapper-songwriter at tatay ng kanyang anak.

March, 2022 nang maghiwalay sina Zeinab at Skusta Clee at nabiyayaan sila ng isang anak, si Bia. Nakunan ang celebrity mom sa ikalawang baby nila ng rapper matapos umano siyang lokohin ng karelasyon.

Sabi ni Zeinab, feeling niya raw, hindi niya kakayanin kung palagi na lang niyang maalala ang pagsasama nila noon ni Skusta.

“Kasi talagang dumating yung time na hindi ko kaya, ni pumikit or mag-stay sa room na yun. Hindi ko kaya. Kaya du’n ako sa crib ng anak ko natutulog. Ang tangkad ko pero talagang baluktot ako.

“Laging masakit ang katawan ko, pero mas pinipili ko du’n kasi yun yung nakapagpagaling sa akin,” pahayag ng YouTuber sa panayam ng “Magandang Buhay” kahapon, September 6.

View this post on Instagram

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)


Aniya pa, “Siguro mga two months ang dilim-dilim talaga. Iyak lang ako nang iyak. Wala akong ginawa kundi ngumalngal.”
Sa tanong kung kailan niya naramdaman na naka-recover na siya sa pagiging brokenhearted, “Paano ko nalaman na naka-move on na ako? Siguro nu’ng time na nakakatulog na ako sa kuwarto ko.

“Tapos dumating yung time na okay na, ang saya ko na pala. Sobrang happy and thankful ako ngayon kasi araw-araw gigising ako masaya ako,” lahad ni Zeinab.

“Kahit saan ako natutulog sa loob ng bahay ko. Dati, pagpasok pa lang ng gate umiiyak ako, ‘Di ko kaya sa bahay na ‘to!’

“Pati yung bahay na yun gusto ko ibenta. Ngayon, hindi na. Bakit ko kailangan isisi yung mga bagay du’n sa ang tagal naman nang nandiyan?” sey pa niya.

Ano nga ba ang natutunan niya sa mga pinagdaanan niya noon, “Self, huwag ka na magpapaabuso. Matuto ka magbigay ng limitasyon sa mga bagay-bagay at sa mga taong nakapaligid sa ‘yo.

“Kasi kaya ka nasasaktan at kaya ka bumabagsak dahil sa mga taong minamahal mo. So ngayon, you can give love pero make sure na mas mahal mo sarili mo,” mariing pahayag ng sikat na vlogger at influencer.

Dugtong ni Zeinab, “Kung halimbawa ma-experience ko siya ulit, alam ko na kung paano ko siya kokontrolin, paano ko siya iha-handle kasi tapos na ako sa kanya.”

Bukas pa naman daw ang puso niya sa pag-ibig kahit pa nga napakasakit ng naranasang kabiguan sa piling ni Skusta Clee, “Sabi ko naman, di ko bina-block yung heart ko. Naniniwala pa rin ako sa happy ending.

“Maling tao, oo, nangyari na. Pero hindi lahat ng tao mali para sa ‘yo. May dadating na tamang tao na magbibigay ng linaw, ng sagot, sa mga bagay na di mo nasagot nung nae-experience mo pa yun sa maling tao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So, feeling ko, ready na heart ko. Di ko siya kinu-close. Kasi, mapagmahal talaga ako, e,” aniya pa.

Para kay Skusta Clee nga ba ang hugot ni Zeinab Harake na ‘Make sure you’re a good man’?

Ogie Diaz pinayuhan sina Zeinab at Skusta, ‘wag nang idamay ang anak sa iskandalo

Skusta Clee nakabuntis nga ba kaya hiniwalayan ni Zeinab Harake?

Regine umiiyak habang minamasahe ni Ogie: I’m so, so, so in love with my husband!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending