Barbie Forteza ibinandera ang ipinatatayong dream house: 'Dear self, I am so proud of you!' | Bandera

Barbie Forteza ibinandera ang ipinatatayong dream house: ‘Dear self, I am so proud of you!’

Ervin Santiago |November 13,2022
facebook
share this

Barbie Forteza ibinandera ang ipinatatayong dream house: ‘Dear self, I am so proud of you!’

Ervin Santiago - November 13, 2022 - 08:22 AM

Barbie Forteza ibinandera ang ipinatatayong dream house: 'Dear self, I am so proud of you!'

Barbie Forteza kasama ang pamilya

BONGGA! Sinisimulan na pala ang construction ng dream house ng Kapuso Primetime Drama Princess na si Barbie Forteza at ng kanyang pamilya.

Sa kanyang Instagram account, ibinandera ng “Maria Clara at Ibarra” lead actress ang kanilang family photo na kuha sa harap ng ipinagagawa nilang bahay.

“If there’s one thing the pandemic has taught me, it’s to plan ahead and think long term.

“Dear self, I am so proud of you. Keep doing what you’re doing and don’t forget to have fun while you’re at it,” ang caption na inilagay ni Barbie sa kanyang IG post.

Sandamakmak na comments ang nabasa namin sa post ni Barbie at lahat ay nag-congratulate sa aktres kabilang na ang mga kaibigan niyang celebrities. Pero siyempre, ang pinakabongga sa lahat ay ang mensahe ng boyfriend niyang si Jak Roberto.

“Congratulations mahal ko,” ang hirit ni Jak na sinagot naman ni Barbie ng  “Maraming salamat, mahal ko! I love you!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza)


Samantala, naging usap-usapan din ng Kapuso viewers at netizens ang magkasabay na blood moon in real life at blood moon sa hit historical portal fantasy series ng GMA na “Maria Clara at Ibarra.”

Ayon sa PAGASA Astronomical Diary, 5:19  p.m., noong November 8, nagsimula ang Total Lunar Eclipse sa Manila. Habang 8 p.m. naman nagsimula naman ang Blood Moon sa “Maria Clara at Ibarra” ang gabi ng pagtawid ni Klay pabalik sa reyalidad.

Ikinagulat ng netizens ang coincidence na pagkakasabay nito, “Galing naman timing talaga!” ayon sa netizen na inaabangan ang Maria Clara at Ibarra gabi-gabi.

“The universe is really making way for MCI’s supremacy!” dagdag ng isang fan.

* * *

Masusubok naman ang tibay ng loob ni Dani (Bea Alonzo) after niyang makarinig ng masasakit na salita mula kay Tristan aka Good Boy (Alden Richards).

Hindi man napigilan ni Dani na maiyak sa mga sinabi ni Good Boy, gagamitin pa rin niya itong motivation para mas maging mahusay na CEO.

To the rescue naman si Dave (Jeric Gonzales) at sinugod pa si Tristan matapos na makitang na-hurt ang feelings ni Dani. Ito namang si Ina (Yasmien Kurdi) mas lalo pang dina-down at pinapahirapan ang kanyang kapatid!

Ano nga kayang pinag-awayan nina Tristan at Dani? Tuluyan na bang lalayo ang loob nila sa isa’t isa? Paano na ang team ng Three Sons Tech?

Tutukan ang “Start-Up PH” Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA.

Barbie shookt sa chikang hiwalay na sila ni Jak: Dyusko! Tatawagan ko, inform ko siya agad para alam niya!

Carla Abellana kinaya ang matitinding pagsubok sa buhay; ipinatatayong dream house matatapos na sa 2023

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kathryn tuloy na ang pagpapatayo ng dream house para sa pamilya: I can’t believe it’s finally happening!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending