Carla Abellana kinaya ang matitinding pagsubok sa buhay; ipinatatayong dream house matatapos na sa 2023 | Bandera

Carla Abellana kinaya ang matitinding pagsubok sa buhay; ipinatatayong dream house matatapos na sa 2023

Ervin Santiago - October 17, 2022 - 08:15 AM

Carla Abellana kinaya ang matitinding pagsubok sa buhay; ipinatatayong dream house matatapos na sa 2023

Carla Abellana

MALAKING bahagi ng pagmu-move ng Kapuso actress na si Carla Abellana sa paghihiwalay nila ni Tom Rodriguez ang kanyang support group na hindi siya iniiwan kahit ano pa ang mangyari.

Okay na okay na raw ngayon si Carla matapos dumaan sa mga pagsubok nitong mga nagdaang buwan, kabilang na nga riyan ang breakup nila ni Tom.

“Ang laki ng effort and talagang maraming factors na mag-co-contribute doon sa pagbangon mo ulit sa confidence mo ulit. Hindi ‘yan isang tao, hindi lang ‘yan yourself alone,” pahayag ni Carla sa “24 Oras.”

“Wala namang lumalabas na taon na wala tayong pinagdadaanan. Whether you’re on top, you’re happy, you’re at your best, laging may papasok na challenges which is part of God’s plan,” dagdag pa ng aktres.

Ilan pa sa mga pinagkaabalahan niya sa buhay these past few months ay ang soap making and candle making. Therapeutic daw talaga para sa kanya.

Sa isang hiwalay na panayam, nagbahagi rin si Carla ng mga realizations niya in life habang pinagdaraanan ang mga pagsubok at kung paano bumalik ang nawala niyang self-confidence.

“The Lord simply wants you to be strong. You need to experience all that so you will return to the Lord. Whoever you are, wherever you are, whatever you do,” lahad ni Carla.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)


Samantala, tungkol naman sa ipinatatayo niyang dream house, “Just this year, construction of my house started. Very exciting, but at the same time, scary because of the expenses.

“We started construction in March. The progress is fast. Grabe ang gastos. Construction materials spiked up, affected by the fuel increase. But thankfully, I manage. There is always enough that I can set aside for construction.

“At the moment, I still cannot picture the house clearly. It’s just the shell. Just the structure. I still cannot fully visualize.

“Although my architect and interior designers are always around. They submit their renderings and photos for all floors, the walls, roofing.

“Maybe when they start working on the fixtures, I can imagine and appreciate the construction. That’s more exciting for me.

“I’m very excited. Next year, the house will be finished and I can move in,” pagbabahagi pa ni Carla.

Carla Abellana natawa sa ginawa ng BBM supporters sa tapat ng bahay niya

Ano ang nag-iisang birthday wish ni Carla Abellana?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kathryn tuloy na ang pagpapatayo ng dream house para sa pamilya: I can’t believe it’s finally happening!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending