Ano ang nag-iisang birthday wish ni Carla Abellana? | Bandera

Ano ang nag-iisang birthday wish ni Carla Abellana?

Therese Arceo |June 14,2022
facebook
share this

Ano ang nag-iisang birthday wish ni Carla Abellana?

Therese Arceo - June 14, 2022 - 04:35 PM

Ano ang nag-iisang birthday wish ni Carla Abellana?
KAMAKAILAN ay nag-celebrate ng kanyang kaarawan ang Kapuso actress na si Carla Abellana.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang kanyang larawan na black and white na tila may hawak na cake.

“My birthday wish is to be happy,” maikling saad ni Carla bilang caption sa kanyang post.

Umulan naman ng mga mensahe ng pagbati ang naturang post ng Kapuso aktres mula sa netizens maging sa kanyang mga kasamahan sa industriya.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)

 

“Happiest birthday to you, Ate Carla!! One of the most beautiful souls,” saad ni Gabbi Garcia.

Comment naman ni Valeen Montenegro, “I wish you that too!!! Happy birthday, Carla!”

Sey naman ni Kuya Tonipet, “Happy birthday! We love you Carl…”

Lubos naman ang pasasalamat ng aktres sa lahat ng mga taong nakakaalala sa kanyang espesyal na araw.

“Hi! I”m sorry I haven’t been able to reply to anyone yet. Please know that I have read your messages and I wish to thank you for your birthday greetings,” saad ni Carla.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)

 

Ilang buwan na ring laman ng balita ang aktres matapos kumalat ang balita ng hiwalayan nila ng asawang at kapwa Kapuso actor na si Tom Rodriguez.

Hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon kung ano nga ba ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay lalo na at parehas namang walang inilalabas apahayg ang dalawa ukol rito.

Pitong taong naging magkarelasyon sina Tom at Carla bago ito tuluyang nagpakasal noong Oktubre 2021 na naganap sa Batangas.

Ngunit tatlong buwan matapos ang kanilang engrandeng kasalan ay lumabas ang bali-balita ng diumano’y kanilang paghihiwalay matapos mapansin ng ilang tagahanga ng aktres na hindi na nito suot-suot ang kanilang wedding ring.

Marami nang lumabas na espekulasyon ukol sa dahilan ng kanilang paghihiwalay gaya na lamang ng balitang may nabuntis raw si Tom, mayroon ring mga kumukwestiyon ng kanyang sekswalidad, at mayroon ring balita na mula sa ama ni Carla na si Rey PJ Abellana na ukol sa diumano’y pakikipag-one night stand raw ng aktor.

Wala namang kumpirmasyon mula sa dalawang kampo kung totoo nga ba ito ngunit ang latest chika ukol sa kanila ay ang tila pagbibigay ng “gag order” ng kampo ni Carla sa kanyang estranged husband.

Related Chika:
Carla sa nalalapit na kasal nila ni Tom: May mga times na nakakatakot, pero…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Payo ng netizens kay Carla: Kung talagang nagloko si Tom dapat kasuhan mo para maturuan ng leksyon!

Carla Abellana, Tom Rodriguez ikinasal na!

Carla Abellana natawa sa ginawa ng BBM supporters sa tapat ng bahay niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending