Carla Abellana, Tom Rodriguez ikinasal na! | Bandera

Carla Abellana, Tom Rodriguez ikinasal na!

Therese Arceo |October 23,2021
facebook
share this

Carla Abellana, Tom Rodriguez ikinasal na!

Therese Arceo - October 23, 2021 - 08:20 PM

Carla Abellana, Tom Rodriguez ikinasal na!

Carla Abellana and Tom Rodriguez Wedding IG: Nelwin Uy Photography

IKINASAL na ang Kapuso stars at longtime couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez. Ginanap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa San Juan Nepomuceno Parish, San Juan, Batangas ngayong Sabado ng hapon, Octubre 23, 2021.

Talaga namang napa-wow ang lahat ng mga dumalo sa kasal habang pinagmamasdan ang napakagandang bride na si Carla habang suot-suot ang isang Monique Lhuiller wedding gown.

Hindi naman papakabog sa kanyang groom na si Tom na suot naman ang isang suit na gawa ni Francis Libiran.

Talaga namang napakaganda ng aktres at napakagwapo ng aktor sa kanilang special day! Parang match made in heaven. Walang nakapigil sa kanilang pagmamahalan maski ang COVID-19 pandemic!

Present sa kanilang kasal ang ama ni Carla na si Rey PJ Abellana at Aurea Reyes na siyang kasama ni Carla na naglakad sa aisle at naghatid sa kanya sa altar.

Present rin ang ina ni Tom na si Teresita Mott.

Mayo 2021 nang mag-viral ang wedding banns ng longtime couple kung saan nakalagay ang petsa at lugar ng kanilang magiging kasal.

Ilang buwan bago ang nasabing kasal ay naging busy ang dalawa sa kani-kanilang projects at lock-in tapings ngunit nanatiling hands on pa rin sa mga detalye ng kanilang magiging kasal.

Ilang araw rin bago ang kanilang kasal ay nag-trending ang dalawa matapos lumabas ang kanilang pre-nup photos.

Unang nagkakilala ang dalawa sa teleseryeng “My Husband’s Lover” noong 2014.

Naging mag-on ang dalawa sa parehas na taon at na-engage noong Oktubre 2020 ngunit nitong Marso 2021 lamang ng maisapubliko ang balita.

Congratulations and best wishes sa inyo, Tom at Carla!

Related chika:

Carla nabili ang dream wedding gown sa US: Nawala lahat ng stress at iniyak ko…sulit talaga!
Carla Abellana, Tom Rodriguez engaged na…last year pa!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending