Carla nabili ang dream wedding gown sa US: Nawala lahat ng stress at iniyak ko...sulit talaga! | Bandera

Carla nabili ang dream wedding gown sa US: Nawala lahat ng stress at iniyak ko…sulit talaga!

Ervin Santiago |October 11,2021
facebook
share this

Carla nabili ang dream wedding gown sa US: Nawala lahat ng stress at iniyak ko…sulit talaga!

Ervin Santiago - October 11, 2021 - 09:01 AM

Tom Rodriguez at Carla Abellana

TATLONG beses nagpaalam ang Kapuso actress na si Carla Abellana bago pinayagan ng GMA na makalabas ng bansa para makabili ng wedding dress.

Sa bago niyang vlog, ipinasilip ng finacée ni Tom Rodriguez ang ilang paghahanda na kanyang ginawa nitong mga nagdaang buwan mga para sa kanilang nalalapit na kasal.

Dito, ikinuwento nga ni Carla kung paano niya nabili ang kanyang dream wedding gown mula sa hinahangaang fashion designer.

Aniya, hindi raw siya agad pinayagan ng mga bossing niya sa GMA na umalis ng Pilipinas dahil sa trabaho at sa patuloy na banta ng COVID-19 pandemic. 

Tatlong beses daw siyang nagpaalam sa mga boss ng Kapuso network bago payagang magtungo sa Amerika para doon bilhin ang kanyang pangkasal.

“I thank GMA for allowing me, finally allowing me to fly. They may not know how important this is for me but thank you to GMA. I love it. I love it so much. I’m so happy,” ang maluha-luhang pahayag ni Carla sa nasabing vlog na kinunan noong March.

Pagpapatuloy pa niya, “I’m so happy because it’s true when they say na parang nabunutan ng tinik ‘yung dibdib mo. Gumaan na ‘yung pakiramdam. 

“Nawala na lahat ng stress, lahat noong iniyak ko, na ipinagdasal ko. Sulit talaga. Super thank you. Alam ko parang mababaw but it’s really my dream, so finally tuloy na siya,” chika pa ni Carla.

Kuwento pa ng future wifey ni Tom, nakasama rin niya sa pagpunta sa New York ang kanyang ina na super supportive raw sa pagpe-prepare nila ni Tom sa kanilang wedding.

Aniya, sumunod din sila sa ipinatutupad na health protocols doon, nag-quarantine muna sila ng three days bago lumabas sa kanilang tinutuluyan. Dalawang araw silang nag-stay sa New York para sa hanapin ang wedding dress at shoes ni Carla.

Last year pa engaged sina Carla at Tom ngunit inamin lamang nila ito noong March, 2021. Next month na nakatakda ang kanilang kasal na gaganapin sa Madre De Dios Chapel sa Tagaytay Midlands.

Aminado sina Carla at Tom na challenging talaga ang pagpapakasal ngayong may pandemya.

“Mas mahirap, given kasi pandemic ngayon, most especially because we don’t have full control over what’s happening around us, pati yung protocols, decision ng government, it affects everything,” pahayag ng Kapuso actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero kahit paano, naitatawid naman po so far,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending