Carla sa nalalapit na kasal nila ni Tom: May mga times na nakakatakot, pero... | Bandera

Carla sa nalalapit na kasal nila ni Tom: May mga times na nakakatakot, pero…

Ervin Santiago |September 27,2021
facebook
share this

Carla sa nalalapit na kasal nila ni Tom: May mga times na nakakatakot, pero…

Ervin Santiago - September 27, 2021 - 09:11 AM

Carla Abellana at Tom Rodriguez

NANINIWALA ang magaling na Kapuso character actress na si Ina Feleo na magiging maayos at mas matatag ang pagsasama nina Carla Abellana at Tom Rodriguez kapag ikinasal na.

Sa kabila ng patuloy na banta ng pandemya, tuloy na tuloy pa rin ang wedding nina Carla at Tom bago matapos ang taon, base na rin sa naging pahayag ng aktres sa nakaraang virtual mediacon ng bagong Kapuso series na “To Have And To Hold.”

Kasama nga ni Carla sa nasabing teleserye si Ina kaya natanong siya kung ano ang maipapayo niya sa engaged couple lalo pa’t mag-iisang taon na rin siyang kasal sa non-showbiz husband niyang si Giacomo Gervasutti.

Sey ni Ina, “Yung pinakaimportante is that you marry the person- you choose e. At least ‘yun ang maganda sa marriage ‘di ba, ikaw ang pipili kung sino makakasama mo habang buhay.

“Hindi yan pinilit sa ‘yo, hindi ‘yan isang desisyon na gagawin mo, because kinilig ka or something like that.

“Carla has been with Tom for many years and I have seen them, kahit na hindi kami talaga ganoon ka-close, ngayon lang kami ni Carla naging friends.

“Pero I’ve always seen them and I see that it’s a real relationship. So, sa akin I’m pretty confident na kakayanin nila,” pahayag ni Ina.

Ipinagdiinan din ng aktres na isa sa mga natutunan niya ngayong may asawa na siya ay ang pag-intindi at pag-unawa sa ugali at personalidad ng isa’t isa.

“Always remember that these are two individuals. Hindi ako naniniwala na parang you become one person, no!

“You are still two individuals, so may mga bagay talaga na ito ako at ‘yan ka. And when you make the decision to get married you are ready to accept the whole package,” aniya pa.

Samantala, inamin naman ni Carla na nagkakaroon din siya ng agam-agam sa nalalapit na wedding dahil nga sa kinakaharap ng health crisis ng bansa at iba pang detalye ng kasal nila ni Tom.

“Okay naman po. May mga times na nakakatakot, minsan natatakot po ako parang, ‘Ano ba ito?’ Pero hindi naman to the point of course po na parang nagdadalawang-isip or anything,” aniya.

Kahit paano raw ay nakakatulong ang mindset ng kanyang character sa upcoming series niya sa GMA sa nalalapit niyang pag-aasawa.

“I play the role of Erica Gatchalian sa To Have And To Hold. She is a devoted, selfless wife. Makikita niyo, maliit lang ang kanyang circle, maliit lang ang kanyang family. It’s really just her her husband Tony and ang kanyang mother, si Vicky.

“Si Erica is from a broken family, in a way, anak siya sa labas. So to her, family is everything, and gagawin niya ang lahat para buo pa din ang pamilya niya. Hindi siya papayag na basta-basta na lang masisira ito,” aniya pa.

Makakasama rin sa serye sina Rocco Nacino at Max Collins. Sey ni Carla, “Maganda siya kasi ang dami kong lessons. I don’t necessarily identify myself sa tatlong chatacters pero may nakukuha po ako from all of them.

“Sa bawat isa po sa kanila may nakukuha po ako, may napupulot akong lesson, and, in a way, I can somehow imagine myself being in their situation na napapatanong po talaga ako sa sarili ko.

“But then again, iba po iyan kapag iyon nga, kasal na, kapag mapasok ko man ang ganung sitwasyon, huwag naman po sana, knock on wood.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero yes, basically, it’s not just about infidelity or mistakes, it’s about, you know, protecting your family, your loved ones, fighting for your husband or your wife, and forgiveness. So madaming lessons for married couples po,” chika pa ng fiancée ni Tom.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending