Vice Ganda bet magkaroon ng show kasama si Max Collins
AMAZE na amaze ang Unkabogable Star at “It’s Showtime” host na si Vice Ganda sa kagandahan ng Kapuso actress na si Max Collins.
Nitong Miyerkules, February 19, muling nagbabalik ang actress-fashion model at celebrity mom sa noontime program para maging guest judge sa “Sexy Babe”.
Mismong si Vice nga ang nagpakilala kay Max na muling nagbabalik bilang isa sa mga celebrity judge sa segment na “Sexy Babe”.
“Ito naman ang ating sexy authoriteams starting of with fashion model and Kapuso actress, my favorite face lately, Max Collins, ” sey ng komedyante.
Baka Bet Mo: Vice Ganda kay Max Collins: Yung pinamukha mo sa amin kung gaano kami kachaka!
View this post on Instagram
Pagkatapos ipakilala ni Vice si Max ay hiniritan siya ng co-host na si Kim Chiu na gayahin ang buhok ng Kapuso actress.
“Kahit mag-ganyan ako ng hair, kung wala naman akong ganyang mukha, magmumukha lang akong Sadako,” sabi ng komedyante sa kaniyang co-host.
Sabi naman ni Max kay Vice ay magpalit sila ng buhok dahil bet naman nito ang maging blonde.
Chika pa nito, “Blondes have more fun.”
“Sawang-sawa na ako sa fun. Gusto ko naman pretty, lagi nalang akong fun, ‘di na ako naging pretty,” ani naman ni Vice Ganda.
Sabi pa niya, magre-request raw siya sa isa sa mga bossing ng GMA Network na si Annette Gozon-Valdes.
“Magte-text nga ako kay Ms. Annette. Sasabihin ko, ‘Ms. Annette bigyan mo nga kami ng show ni Max Collins. ‘Yung kambal kami,” chika ni Vice.
Natatawang hirit pa nito, “‘Yung kambal sa uma. Daga kami.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.