Chelsea, Max, JC may kanya-kanyang paandar sa Valentine’s Day

Max Collins, JC de Vera at Chelsea Manalo
ILANG araw na lang at muli na naman nating ise-celebrate ang Valentine’s Day. And I’m sure, may kanya-kanya nang rampa at ganap ang karamihan sa atin pagsapit ng February 14.
Tulad na lang ng tatlong miyembro ng “Sexy Authoriteam” ng “Sexy Babe” ng “It’s Showtime” na sina Chelsea Manalo, JC De Vera at Max Collins.
Sa nasabing segment ng Kapamilya at Kapuso noontime show ay natanong ang tatlong celebrities kung ano balak nilang gawin sa Araw ng mga Puso.
Ayon kay Miss Universe Asia na si Chelsea Manalo, ipagdiriwang niya ang Valentine’s Day kasama ang kanyang pamilya.
Baka Bet Mo: Chie Filomeno sinupalpal si Valentine Rosales: Tumigil ka nang clout chaser ka!
“Ako siguro sa Valentine’s, I’ll treat my family din, my mom and my dad, ‘yun lang naman ‘yung importante, to celebrate with your family also and love yourself,” chika ng beauty queen.
Sey naman ni JC, buy siya ng flowers para sa kanyang wifey at dalawang anak na babae. Plano rin nilang magkaroon ng simpleng dinner na magkakasama.
View this post on Instagram
“Ide-date ko ‘yung mga anak ko, bibigyan ko sila ng tig-isang roses. ‘Yun talaga ‘yung ginagawa ko yearly, bumibili ako ng flowers kasi tatlo na silang babae, ‘yung wife ko tas dalawang babaeng anak.
“Binibilhan ko sila palagi ng roses. Tapos dinner lang, simpleng dinner lang,” sey pa ng hunk actor.
Chika naman ng Kapuso actress na si Max Collins, bibiyahe raw siya pabalik ng Pilipinas mula New York sa darating na Valentine’s Day.
“I’ll be in the air. Kasi wala akong Valentine’s e so ‘yung ginawa ko, tinapat ko ‘yung flight ko pauwi from New York on the 14th.
“Para sakto pag-uwi ko, pagdating ko rito 15 na. ‘Di ba smart, so smart,” sey pa ni Max.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.