Chie Filomeno sinupalpal si Valentine Rosales: Tumigil ka nang clout chaser ka! | Bandera

Chie Filomeno sinupalpal si Valentine Rosales: Tumigil ka nang clout chaser ka!

Therese Arceo |October 07,2022
facebook
share this

Chie Filomeno sinupalpal si Valentine Rosales: Tumigil ka nang clout chaser ka!

Therese Arceo - October 07, 2022 - 11:17 AM

Chie Filomeno sinupalpal si Valentine Rosales: Tumigil ka nang clout chaser ka!
HINDI na nakapagpigil ang aktres at dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Chie Filomeno at sinupalpal ang social media personality na si Valentine Rosales.

Nitong Huwebes ng gabi, October 7, tila nagkaroon ng online bardagulan ang dalawa matapos magkomento si Valentine sa Facebook page ng isang news page kung saan posted ang driver’s license ni Chie.

“Akala ko si ano…” sey ni Valentine sa comment section.

Hindi naman nagpatinag si Chie at sinagot ang patutsada ng social media personality.

“Alam mo tumigil ka ng clout chaser ka. Let her rest in peace please,” sagot ng aktres.

Muli namang nag-comment si Valentine at sinabing, “Haaa? Kala ko si Nadine! Ano ba sinasabi mo?”

At mukhang hindi rin aatras si Chie at muling tinalakan ang kausap.

“Galing mo talagang sinungaling no? papalusot ka pa eh,” sey pa ng dalaga.

Bagamat walang sinabing pangalan si Valentine kung sino ang kanyang tinutukoy, marami sa mga netizens ang naghinuha na si Christine Dacera ang tinutukoy niya na matatandaang binawian ng buhay noong January 1, 2021 dahil sa ruptured aortic aneurysm.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by C H I E (@chiefilomeno)

Isa si Valentine sa mga huling nakasama ng dating flight attendant bago ito binawian ng buhay.

Bwelta ulit naman ng social media personality, “Mas magaling ka padin naka pag earrings ka nga sa Pic Kahit bawal eh.”

Ayon sa post ni Chie sa kanyang Facebook page, talagang pinaghandaan niya ang larawan sa driver’s license dahil 10 years ang validity nito.

“10 years. Dapat worth it. WALANG ARTISTA ARTISTA DITO! KALOKA. Nakakarindi yung mga comment na “porket artista ganito ganun.” Hindi po ganun yun. At hindi gagawin ng mga trabahante ng DFA and LTO ang may pa ‘special treatment’.
Uhm salamat sa tiktok sa mga tips na napanood ko at NAG BABASA ako ng email ng DFA about sa kung ano ang PWEDE at BAWAL,” saad ng aktres.

“Sa drivers license pwede naman naka makeup wag lang nakakabulag na makeup at pwede mag hikaw wag lang pang Merry Christmas na hikaw. Okay na po ba? Let people enjoy things. Gusto ko presentable ako sa ID photos ko, kaya nag eeffort po ako,” dagdag pa ni Chie.

Balik naman ni Valentine, iba raw talaga kapag may special treatment na pinabulaanan naman ng aktres.

Marami rin sa mga netizens ang hindi nagustuhan ang mga sinabi ni Valentine.

“Masyado kasing papansin. Baklang to,patahimikin mo na din yang buhay mo hindi yung puro ka pakikialam at pagpapasikat,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Alam mo noong una naawa ako sayo pero habang tumatagal nakakabwiset kana.”

“amacanna ackla siya kase kahit saang anggulo man ng picture napakaayos napakaganda ng pagkakakuha. ikaw na inggitera ka kahit gums mo dimo maitago nuka daga,” sey naman ng isa pa.

Unang umugong ang pangalan ni Valentine matapos silang kasuhan ng ina ni Christine Dacera ng kasong rape.

Naging matunog rin ang pangalan nito nang mag-viral ang kanyang “story time” TikTok video ukol sa nangyari sa kanya sa isang convenience store patungkol sa mga kandidato sa nagdaang eleksyon.

Bukod rito ay agaw pansin rin si Valentine sa naging isyu sa pagitan ng mag-amang sina Julia Barretto at Dennis Padilla.

Samantala, hindi naman na bago ang pag-trending ni Chie kaugnay sa kanyang mga valid ID.

Nauna na kasi siyang mag-viral noong ibahagi niya ang kanyang passport photo no-make up look sa social media.

Related Chika:
Valentine Rosales nag-sorry sa kanyang controversial TikTok video: Hindi po tama ang ginawa ko

Chie Filomeno ipinagluluksa ang pagkamatay ni Matty: Wala nang mangungulit at uutusan akong kunin yung bola niya…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Diaz ipinagtanggol si Dennis Padilla: Hindi siya nanghihingi ng kahit singko

Chie Filomeno tumigil sa pagsasayaw matapos ma-bash dahil sa viral video

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending