Valentine Rosales nag-sorry sa kanyang controversial TikTok video: Hindi po tama ang ginawa ko | Bandera

Valentine Rosales nag-sorry sa kanyang controversial TikTok video: Hindi po tama ang ginawa ko

Therese Arceo |March 19,2022
facebook
share this

Valentine Rosales nag-sorry sa kanyang controversial TikTok video: Hindi po tama ang ginawa ko

Therese Arceo - March 19, 2022 - 04:31 PM

Valentine Rosales nag-sorry sa kanyang controversial TikTok video: Hindi po tama ang ginawa ko

HUMINGI ng tawad si Valentine Rosales kaugnay ang kanyang viral “Story time” TikTok video kung saan ibinahagi niya ang diumano’y karanasan niya sa isang convenience store.

Nitong Huwebes, March 17, naglabas ang binata ng pahayag at ikinuwento na sobra-sobra ang mga pambabatikos na kanyang natanggap buhat nang i-upload niya ang nag-trending na “Story time” video.

“Naapektuhan din po ako ng mga nababasa ko dahil sa katotohanan nga po, hindi po talaga tama yung ginawa ko,” saad ni Valentine.

“I realized my mistakes and hindi po talaga tama yung ginawa ko,” dagdag pa niya.

Ani Valentine, pinili muna niyang pahupain ang isyu kaya ngayon lang niya inilabas ang kanyang apology video.

 

@iamvalentinerosalesSorry …

♬ Soft Background Music – Background Music

 

“Regarding doon, I [own] up to my mistakes kaya I’m making this apology video. Gusto ko pong magsorry sa nagawa ko kasi hindi naman po talaga tama yung ginawa ko.

“Nanira po ako ng ibang kandidato and all of them are campaigning and doing their best to promote their candidacy for president and ako maninira lang po ng isang kandidato which dapat instead of manira i-promote ko nalang po yung mga good deeds or magandang nagawa ng kandidato ko,” pagpapatuloy ni Valentine.

Hiling naman ng binata ang kapatawaran ng madlang pipol ngunit naiintindihan naman niya kung may mga taong hindi siya mapapatawad.

“Nagkamali po ako and humihingi po ako apology sa inyong lahat. Sa mga magfo-forgive sa akin sobrang appreciate ko po and I’ll do my best to be a better person. Sa mga hindi naman po ako mafo-forgive, I will understand kasi kasalanan ko naman talaga ‘yun,” sey ni Valentine.

“I should be ready for the consequences of what I have done pero please know na pinagsisisihan ko na po yung ginawa ko. And it’s better na atleast nag-apologize po ako and I made a video to apologize kasi sasabihin nila ang sipag ko gumawa ng video, manglait pero magsorry hindi ko magawa. Kaya ito po I’m apologizing and owe up my mistakes.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa ni Valentine, “And to show na sincere po ako sa pagsosorry ko i-dedelete ko po lahat ng posting ko regarding those issue dahil hindi po tama yung nagawa ko. Sorry po sa nagawa ko and regarding politics I’ll stay out and keep quiet. May the best president win. Sorry again sa lahat.”

 

Related Chika:
Xian Gaza nag-react sa viral post ni Valentine Rosales: Just a black propaganda
Valentine Rosales basag na basag kina Rommel Galido at JP dela Serna: Ewwwww! Cheap mo girl!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending