Wacky Kiray, Valentine Rosales nagbardagulan sa socmed

Wacky Kiray, Valentine Rosales nagbardagulan sa socmed: ‘Inggit ka lang kasi…’

Pauline del Rosario |November 18,2023
facebook
share this

Wacky Kiray, Valentine Rosales nagbardagulan sa socmed: ‘Inggit ka lang kasi…’

Pauline del Rosario - November 18, 2023 - 10:20 AM

Wacky Kiray, Valentine Rosales nagbardagulan sa socmed dahil kay Michelle Dee: ‘Inggit ka lang kasi hindi ka makapag-swimsuit!’

Wacky Kiray, Valentine Rosales

TILA nagkasagutan na sa social media ang komedyante na si Wacky Kiray at social media personality na si Valentine Rosales.

Nagsimula ito nang okrayin ni Valentine ang ating pambato na si Michelle Dee matapos ang Miss Universe 2023 preliminary competition noong November 16.

Para raw kasi sa kanya, walang dating o wow factor si Michelle sa kompetisyon kumpara sa mga nagdaang representative ng Pilipinas.

Sinagot naman ‘yan ni Wacky sa isang Facebook post at pinagsabihan pa na kumalma.

“Ok ako naman mag sasalita..teh valentine rosales..pwede kumalma ka lagyan natin ng preno yung bunganga natin,” mensahe niya sa socmed personality.

Baka Bet Mo: Chie Filomeno sinupalpal si Valentine Rosales: Tumigil ka nang clout chaser ka!

Depensa niya kay Michelle, “Unang-una maganda ang ginawa ni #MMD pulido malinis ang lakas ng dating.”

“‘Di kaya na-iinggit ka lang kasi ‘di ka makapag swimsuit kasi lalabas itl*g mo?” sey pa niya.

Dagdag pa niya, “Eto opinion ko lang din ha…saka ka na mag-comment kung nakasali ka na sa beauty contest.”

‘Yung beauty talaga ha! opinion ko lang uli… peace [emoji] konting kalma tehhh,” ani pa niya.

Nakarating naman agad ito kay Valentine ang nag-post ulit siya ng isang mahabang FB post upang magkaroon ng paglilinaw sa nauna niyang naging komento tungkol kay Michelle.

Ayon kay Valentine, sinusuportahan pa rin niya ang ating pambato at ang ipinupunto lang niya ay ‘yung kakulangan sa wow factor.

“Wacky wala naman ako sinabing pangit si MMD nor sinabing pangit ang performance niya…I said that she lacked WOW factor. She’s beautiful pero hindi stunning or jaw dropping ang ganda niya. Kumbaga simple ang beauty niya generic very common,” caption niya.

Dagdag niya, “Wala akong nilaet or sinabing masama against her. Depende na lang sayo kung paano mo interpret yung word na WOW Factor.”

“Pinost ko ‘yung opinion ko sa ‘FACEBOOK WALL KO’ dahil ‘yun ang opinion ‘KO’ kaya lawakan mo ang isip mo at ‘wag mo idiin or i-force ang opinion mo sakin kasi ibat-iba ang opinion ng bawat individual,” paliwanag pa niya.

Patuloy niya, “There’s no wrong or right opinion as all opinions are Valid since we are all entitled to our own opinion. Just because my opinion is different from yours doesn’t give you the license to enforce your opinion to mine.”

Mensahe pa niya kay Wacky, “Matuto mag respeto ng opinyon ng bawat isang tao and uulitin ko pinost ko yun sa ‘WALL KO’. Hindi sa WALL ni MMD or WALL mo or WALL ng iba.”

At dahil tungkol sa Miss Universe naman ang pinag-uusapan ng dalawa, huwag kalimutan na mangyayari ang grand coronation ng nasabing kompetisyon sa November 19.

Halos 90 na mga kandidata mula sa iba’t-ibang bansa ang nakatakdang kakalabanin ni Michelle.

Ang mga nagwagi na ng Miss Universe title mula sa ating bansa ay sina Gloria Diaz (1969), Margarita Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Kaguwapuhan ni Piolo ginamit sa exam ng mga estudyante; BB Gandanghari ‘binuhay’ si Rustom

Friendship hugot ni Valentine Rosales: Balang araw kaibigan mo rin ang titira sa ‘yo sa likod, believe me masakit talaga!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending