Mika Salamanca dinepensahan ni Benedict Cua: Lagi siyang nami-misunderstood
NAGLABAS ng saloobin ang content creator na si Benedict Cua kung paano nga ba nagsimula ang friendship nila ng tinaguriang “Controversial CaBABElen ng Pampanga” na si Mika Salamanca.
Para sa mga hindi aware, sa ngayon ay kasali ang dalaga bilang official housemate ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab”.
Kamakailan ay nag-trending si Mika matapos mabigyan ng pinakamababang puntos sa mga hindi nagpapakatotoo.
Bago pa man ito, ibinahagi na ni Benedict sa kanyang Facebook page ang kwento nilang magkaibigan kung saan biniro pa niyang palabasin na ito sa PBB house dahil marami na itong nami-miss na events gaya ng binyag ng kanyang anak na si Alec.
Baka Bet Mo: Mika Salamanca hindi nga ba nagpapakatotoo sa PBB house?
View this post on Instagram
Aniya, “Palabasin niyo na si Mika Salamanca sa bahay ni Kuya, guys. Dahil masyado na siyang matagal diyan. Hindi siya nag-attend sa binyag ng anak ko!” biro ni Benedict.
Taong 2019 nang magkakilala sila dahil sa isang performance sa meet and greet kung saan parehas silang ma-scam o ‘di nabayaran. Dahil doon ay naging close sila.
“Parang younger sister ko siya, ‘tapos kuya niya ako. Noong naging close kami, winawalanghiya niya na ako,” sey ni Benedict na may kasamang biro tungkol sa friendship nila ni Mika.
Naibahagi rin ni Benedict na nakita niya ang bersyon ng sarili niya sa dalaga at dahil rito ay mas tumibay ang kanilang friendship.
Nasabi rin niya na madalas ma-misunderstood si Mika ng mga tao.
“The reason why kaya nag-work ang friendship namin, because I see a lot of myself in her.
“Si Mika, always misunderstood by a lot of people. Dati, madalas ko dine-defend yung sarili ko. Hindi naman maiiwasan kasi yung bashing sa social media.
“Kahit sabihin mo sa isang daang tao, gusto ka nung 99, maapektuhan ka pa rin kahit may isang sobrang hate ka. At habang tumatagal, dumadami ang isyu niya.
“She was often misunderstood to a point na never na siyang nagkaroon ng energy to even say anything to protect herself.
“Kahit ano namang sinasabi niya, hindi siya pinapakinggan. She has done a lot of mistakes in the past na pinagsisihan niya at nakita ko talaga personally yung growth niya.”
Nabanggit rin niya ang insidente sa Hawaii kung saan nakulong si Mika sa paglabag sa COVID-19 protocol.
“Yung sa Hawaii, alam ko naman na pinahamak lang siya dun. Pero kahit anong sabihin ni Mika, ang iisipin niyo, ‘Ay, yung naaresto dun sa Hawaii, blah-blah-blah…’
“Naranasan ko yun dati, yung walang nag-i-step up para i-defend ka kasi takot sila. I’m sure she felt terrible, she felt scared, and she felt helpless that time.”
Sa kabila naman ng mga ito ay hanga siya kay Mika dahil hindi nito sinubukang manira ng ibang tao.
“She did not ever try to destroy someone else’s name,” proud na sey ni Benedict.
“If anything, sobrang saludo ako kay Mika, out of all of the content creators that I have known. Bugbog na yan. Bugbog na sa bashing, sa issue, hindi nauubos.
“Bilib ako sa kanya, kasi kung ako sa kanya, ang tagal ko na nag-quit. She had occassional mental breakdowns that nobody ever knew. But her heart was still the same. Pag friend ka niya, poprotektahan ka niya.”
Kaya naman hinikayat niya ang madlang pipol na suportahan pa rin si Mika
“Sobrang saya ako na nakapasok si Mika sa PBB, dahil ito yung isang opportunity na makita niyo who she really is without her even trying to explain or defend herself.
“Makikita niyo na lang what her personality is, and I’m sure everybody is still holding back at this point. I’m so excited kung paano yung mga upcoming days,” chika pa ni Benedict.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.