Anak ni Benedict Cua na si Baby Aleck hindi ampon, ayaw ilantad ang ina
WALANG balak ang aktor at content creator na si Benedict Cua na ilantad sa publiko ang identity ng nanay ng kanyang anak na si Aleck.
Maayos pa rin naman daw ang relasyon ni Benedict sa ina ni Aleck at napanatili nila ang kanilang friendship pagkatapos nilang maghiwalay bilang magdyowa.
Sa panayam ni Karen Davila kay Benedict na mapapanood sa YouTube channel ng Kapamilya broadcast journalist, ay nagbigay ng updates ang aktor tungkol sa pagiging first-time tatay.
Baka Bet Mo: Benedict Cua inamin ang dahilan kung bakit hindi na active sa pagba-vlog
Ayon sa kilalang YouTuber, itinuturing niyang greatest blessing sa buhay niya ang pagdating ng kanyang anak na nagbibigay din ng kakaibang happiness sa kanyang pamilya.
View this post on Instagram
“Matagal ko na po gusto. Ten years ago, gusto ko na talaga. Sabi ko kapag nagkaroon ako ng anak, I will try my best na wala siyang generational trauma.
“I’d listen, lahat siguro ng di ko nakuha, ita-try kong ibigay. Gusto ko pong maranasan niya rin how beautiful life is despite all the negativities,” pahayag ni Benedict.
Inamin din ng aktor na hindi naman talaga planado ang pagiging single parent niya. May mga nangyari lang talaga sa kanila ng dating partner na hindi nila kontrolado.
“Hindi po talaga dapat ako single father. I had a partner, we talked about this, we decided to have a family. But noong paparating na si baby, doon namin na-realize na it cannot work.
“Hindi lang po kami compatible, parang mas naging friends na po kami versus lovers. Eh, that time po parating na si baby,” paliwanag ng vlogger.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya isinasapubliko ang identity ng nanay ni Aleck at gusto niyang mapanatili ang kapribaduhan ng buhay ng girl.
View this post on Instagram
“Right now not yet willing to share because it’s something very personal. And in time, maybe if okay din kay Aleck, then I would tell everybody.
“I know there are a lot of assumptions, a lot of haka-haka, pero hindi ko naman po ‘yon obligation to tell them the truth just because they were curious,” aniya.
Ang siniguro lang ng content creator ay 100% na anak niya si Aleck at hindi niya ito inampon tulad ng kumakalat na chika.
Sabi pa ni Benedict tungkol sa kanyang baby, “Pangarap ko po sa kanya mahanap niya ‘yung gusto niya nang walang pumipilit sa kanya.
“I think majority po ng mga tao in this generation are oftentimes forced by their parents to do something. Ikaw, kahit anong gusto mo,” sey pa ni Benedict.
Matatandaang ipinakilala ng aktor sa publiko si Aleck noong May, 2024 sa pamamagitan ng social media. Ibinalita pa niya na bumalik siya sa bahay ng kanyang parents upang mas maalagaan at mabigyan ng sapat na atensyon at dagdag na pagmamahal ang bata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.