Boy na naglalaro ng manika, girl na mahilig sa kotse-kotsehan, isyu yarn?
RELATE much ang mga nanay sa ibinahaging karanasan ng isang vlogger sa loob ng toy store kasama ang kanyang anak na lalaki.
May koneksyon ito sa isyu ng paglalaro ng manika ng mga batang lalaki at pagkahilig sa kotse-kotsehan ng mga batang babae.
Sa vlog ng mommy-vlogger na si “Mommy Nins“, ipinagdiinan niya ang paniniwalang “Toys are genderless” o wala sa mga laruang gustong paglaruan ng mga bata ang magdidikta sa kanilang kasarian.
“Toys are genderless. Ang mga manika, puwede sa batang lalaki, ang mga kotse-kotsehan, baril-barilan, puwede ‘yan sa batang babae,” ang paalala ni Mommy Nins.
Kasunod nito, naikuwento nga niya ang naging eksena sa isang toy store habang namimili ng mga laruan para sa kanyang anak na boy.
Sa dami ng mga naka-display na toys sa naturang store ay sa section ng mga lutu-lutuan tumigil ang bata at naglaro na kunwari’y nagluluto siya tulad daw ng ginagawa nila sa bahay.
Baka Bet Mo: Rendon Labador binanatan si Yexel Sebastian: Nakita mo na ba itsura ng kulungan?
Isang lalaking sales staff ang lumapit sa anak ni Mommy Nins at nag-dialogue ng, “Uy si Pogi oh, naglalaro ng lutu-lutuan, ‘di ba pang-girl ‘yan?”
Dinedma lang daw ng nanay ang salesman habang nagtatakbo uli ang anak niya at tumigil naman sa area ng mga may manika. Nagustuhan naman ng anak niya si “Snow White.”
Nakasunod pa rin daw si kuyang sales staff sa batang lalaki at nag-dialogue uli ng, “Uy si Pogi oh mahilig talaga sa mga laruang pambabae.”
Pinigilan na lamang daw ni Mommy Nins ang sarili na mapikon at nagdesisyong huwag nang patulan ang lalaking staff ng toy store. Pero aminado siya na nakaramdam din siya ng pressure dahil parang gustong sabihin ng salesman na may gender issue ang anak niya.
Sa huli, binili pa rin ni Mommy Nins ang Snow White doll. Gusto sana niyang bilhin ang Prince Charming toy para wala nang isyu ang salesman pero ayaw talaga ng kanyang anak.
Nang dalhin daw ng anak niya si Snow White sa school, ikinuwento ng teacher sa kanya na ipinagmamalaki ng bata sa mga kaklase na siya ang Prince Charming ni Snow White.
Ayon kay Mommy Nins, may nakausap siyang eksperto tungkol sa “DevPed” o Developmental Pediatrician at napag-usapan nga nila ang naging behavior ng kanyang anak sa toy store.
Sabi raw sa kanya, “‘Mommy, toys are genderless. Ang mga manika, puwede sa batang lalaki, ang mga kotse-kotsehan, baril-barilan, puwede ‘yan sa batang babae.
“‘There is nothing wrong kung ang favorite color ng anak mong lalaki ay pink, and kung ang favorite color ng anak mong babae ay blue. Dahil ang mga colors ay gender neutral din,'” ang paliwanag pa sa kanya ng DevPed expert.
Sey ni Mommy Nins, ibinahagi niya sa publiko ang nangyari sa kanila ng anak sa toy store para magkaroon ng awareness ang mga kapwa niya magulang.
“Malay n’yo ‘yung anak n’yo, mahilig sa mga lutu-lutuan kasi one day, he will become a great chef. Malay n’yo ‘yung anak n’yong babae, na mahilig sa mga kotse-kotsehan, or motor, ay magiging race car driver one day. Hindi n’yo masabi, ‘di ba?” sabi pa ni Mommy Nins.
Narito ang ilan sa mga comments ng netizens sa vlog entry ni Mommy Nins.
“Relate mih! So true, boy anak ko and he loves pink at mahilig din magluto luto, kc usually engage xa pag nagluluto ako minsan. May nagbibigay din ng mga comments mnsan s nga ibang religion and lahi minsan dito sa uk n mga sales na nasasagot ko din cla, na pink is a color and boys are allowed to cook din. Duh.”
“If we normalize this big possibilities and chance they will have identity crisis in their teens…just saying. Ang normal kasi ngayon ineextend na to the extent to accommodate genders beside a boy and a girl. Masyado ng open sa lots of differences and possibilities the reason why ang mga bata at kabataan ang hirap ng icontrol.”
“Thank you Mommy for this assurance i have 2 boys at ang madalas nila kalaro ay mga pinsan na girls kaya halo-halo din talaga ang toys nila, gender-neutral.”
“Dapat turuan yung sales person. Pero ang isa sa main root cause ng ganyang judgement is sa bahay kc madami pa din sa mga magulang din na ganyan boxing sexuality on the choices of children lalo na yung toys at khit watching kids show or games.”
“Correct!!! I encouraged my son to take care of a baby doll telling him that he would someday be a daddy too. He is now almost 18. He isn’t gay and he knows he needs to go to school and do his best because he would one day be responsible for a child as a responsible dad.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.