Senior star sinabihan si Osang ng 'walang ginawa kundi bumukaka', Maui ininsulto sa pagiging sexy star

Senior star sinabihan si Osang ng ‘walang ginawa kundi bumukaka’, Maui ininsulto sa pagiging sexy star

Reggee Bonoan |January 13,2021
share this

Senior star sinabihan si Osang ng ‘walang ginawa kundi bumukaka’, Maui ininsulto sa pagiging sexy star

Reggee Bonoan | January 13,2021 - 07:04 PM

SA bagong pelikulang “Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar” ay natanong ang mga bidang sina Alma Moreno, Ara Mina, Maui Taylor at Rosanna Roces kung anong stigma ang naranasan nila bilang mga hubadera.

Nakaranas ba sila ng harassment o nagkaroon ng mga karelasyon na sinumbatan sila o ng pamilya ng lalaki dahil sa pagpapaseksi nila sa big screen.

“Ako, I had a relationship na una, nagpa-sexy ako pero hindi natanggap, pangalawa, I was dating this guy and I was introduced to the mom. And I recall sinabi ng mommy na, ‘di ba ano siya, hooker sa club?’ What are you saying!

‘Parang alam mo ‘yun, na-shock ako kasi that’s how they looked at you pala. So ‘yun ang experience ko sa guys I was dating na hindi natuloy kasi the parents were against. With other actors and actresses, wala naman akong ganu’nh experience,” kuwento ni Maui.

Ayon naman kay Ara, “Stigma, ano lang pag kunwari nagso-show lang, ‘yung tipong mga lalaki grabeng makatingin sa ‘yo lalo na pag sexy ang suot mo. Pero pag kaswal lang o wala akong showbiz function, lagi akong naka-polo at pantalon.

“Kunwari pag nagmo-mall ako sobrang balot ako, binabaligtad ko kasi nga gusto ko ipakita na trabaho lang ang ginagawa ko sa pelikula and so far wala naman bad experience.

“Nagkaroon ako ng non-showbiz boyfriend na hindi lang natanggap kasi hindi ako nagpaalam sa kanya noon, bigla na lang niyang nakita sa tabloid na naka-ganu’n (nakatakip ang kamay sa dibdib) ako, e, hindi pa uso ang mga FHM magazine noon, wala pang Instagram kaya sa tabloid (cover). Na-shock lang sila kasi itinitinda sa street.

“Tapos since hindi pa ako nahahasang umarte, binansagan akong ‘ham actress’ so tinanggap ko ‘yun as constructive criticism so mas lalo akong na-challenge, ginalingan ko hanggang sa nagka-award ako,” pahayag pa ni Ara.

Para kay Osang, “Pinakamahirap na stigma sa showbiz ay ‘yung nasa loob na rin ng showbiz (nagmula). Parang sinasabing, ‘ay wala namang alam gawin ‘yan kundi maghubad.’ So naging mahirap para sa akin sa pagtawid (drama roles) lalo na pag awards night, magaling ka naman pero hindi ka pananalunin kasi sexy star ka lang.

“Laging ganu’n kaya ang hirap bago ka nakatawid sa pagiging serious actress. Sa relasyon wala namang problema sa akin kasi very strong ang personality ko, so hindi pa ako nakarinig ng salita na hindi ko magugustuhan dahil parang tatamaan ka na.

“Nakakarinig ako ng hindi maganda sa loob ng showbiz mismo, pero sa labas may pangilan-ngilan puwede ng palampasin. ‘Yung kasamahan mo sa industriya ang lalait sa ‘yo, puwede na ring palampasin,” aniya pa.

May inaway din siyang taga-showbiz noon, “Mas senior sa akin na sinabi (sa talk show) na bakit daw ako ini-interview ng one-on-one, bakit daw sila nu’ng in-interview magkakasama. Bakit daw ako binibigyan ng ganu’n spot, e, wala naman ginawa ‘yan kundi bumukaka.

“Ganu’n ‘yung term niya na tinandaan ko talaga. Parang siya lang ‘yung magaling? Nu’ng nakarating sa akin ‘yung sinabi niya, dinaanan ko sinabi ko sa harap niya, ‘pasensya ka, panahon ko ngayon!’” balik-tanaw pa ni Osang.

Kuwento naman ni Alma, “Wala naman akong experience na binastos sa labas kapag namamasyal ako kapag kasama ko ang mga anak ko. Wala akong naramdaman na ganu’n.

“Pag nasa shooting kasi ako noon pag pa-sexy ako kasi ang youngest bold star noon o nasa labas ako. Na-maintain ko lang ‘yung respeto. Iba kasi ako pagdating sa screen, iba naman pagdating sa personal kasi nakamaong ako, naka-t-shirt or polo kahit make-up wala ako.

“Kumbaga totoong-totoo ako kaya siguro hindi ako nakaramdam na bastusin ako. Kapwa artista na senior namin noon, wala naman akong nakaeksena na minaliit ako sa awa ng Diyos,” dagdag ng aktres.

Anyway, tiyak na sasakit ang tiyan at maiiyak ka sa katatawa sa pelikulang “Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar” dahil lumabas ang pagkakomedyante nina Osang, Maui, Ara at Alma. Sabi nga ni Direk Daryll Yap ay sarili nila ang ginampanan nila sa kanilang karakter.

Tuturuan ng senior sexy stars sina AJ Raval, Rose Van Ginkel at Ana Jalandoni kung paano maging porn star na pangarap nila dahil gusto nilang gayahin ang kanilang mga idolo.

Patunay na blockbuster na naman ang pelikula ni direk Daryll dahil pagkalipas ng 48 hours mula ng ilabas ang official trailer ay nakakuha kaagad ito ng 6 million views sa lahat ng social media platforms.

Say nga ni direk Daryll, “Kahit medyo sensitive ang tema, napakagaling pa rin ng apat na ‘to. Walang kupas ang ganda nila. With this dying film industry it takes guts to make a movie this liberated and open minded. We need more of this metafilms or a satire about the Filipino film industry.”

Samantala, sina AJ Raval, anak ng ‘90s action star na si Jeric Raval, ay handa nang makilala bilang sexy actress, gayundin sina Rose Van Ginkel (Talk Back And You’re Dead), na isa ring recording artist ng Viva Records, at Ana Jalandoni, na kilala bilang isa sa mga Sexy Angels sa “Ang Probinsyano” at isa ring content creator sa Oomph TV.

Ang “Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar” ay mula sa Viva Films at VinCentiments ay palabas na simula Jan. 29. Sa halagang P149, mapapanood na ito, mag-subscribe lang sa VivaMax, ang pinakamalaking library ng mga pelikulang Pinoy, teleserye, concerts at mga orihinal na produksyon. Bumisita sa www.vivamax.net at sumali na! Atin’to!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending