Flying ataul, manikang sinaniban, sundo sa KMJS Gabi ng Lagim
Patuloy ang pananakot ng Kapuso Mo Jessica Soho ngayong Sunday, sa ikapitong taon ng kanilang Halloween special na “Gabi ng Lagim.”
In fairness sa series na ito, well researched at may hatid talagang katatakutan and this time, apat na kuwento ang susubok sa ating tapang at paniniwala.
Sa ikapitong taon, muling tunghayan ang salaysay ng mga nakaranas ng kababalaghan, suportado ng mga litrato at video na mala-pelikulang isinadula ng mga direktor. Sa edisyong ito, tampok muli ang apat na kuwentong susubok sa ating tapang at paniniwala.
Aalamin ng KMJS ang hiwaga sa Carcar City Museum sa Cebu kung saan may nai-record ang team KMJS na isang mahiwagang boses. Sino siya?
Malalaman din ang kuwento sa Catanduanes noong dekada 80 tungkol sa naghaharang at nanghahabol na ataul sa mga residente roon.
Mapapanood din ang kuwento tungkol sa isang lola na na-video-han na isang taon nang namatay at ang taong may koleksiyon ng manika, pigurin at mascara sa isang bahay sa Quezon City.
Sa “Sundo” ng Cinemalaya Best Director na si Joseph Israel Laban, ipapakita na ang pagmamahal ng yumao hanggang sa kabilang buhay!
Meron ka bang kinokolekta? Ang koleksyon ng mga manika, pigurin at maskara sa isang bahay sa Quezon City, may sapi raw ng mga mapaghiganting espiritu! Ang nakatira rito maging ang mga bisita, ginagambala.
Sa “Koleksyon” naman ng New York Asian Film Festival Director na si Kenneth Lim Dagatan, mapapaisip ang manunuod sa mga bagay na ipapasok sa iyong bahay.
Siyempre, matapos ang katatakutan, tumawa naman nang tumawa sa kasunod nitong program na The Boobay And Tekla Show na sa mga host pa lang na sina Boobay at Super Tekla ay mukha na ring gabi ng lagim, huh! Ha-hahaha!
Charot lang!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.