SB19 Stell sa isyu ng pagpaparetoke: Kung may budget ka, ipagawa mo na
NAGPAKATOTOO ang miyembro ng P-pop supergroup na SB19 na si Stell Ajero nang tanungin kung totoong sumailim siya sa pagpaparetoke.
Noong nagsisimula pa lamang ang grupo na binubuo nina Stell, Pablo, Justin, Ken, at Josh, napakaraming nangnenega sa kanila, lalo na ang kanilang itsura.
Lalo na si Stell na hanggang ngayon ay inookray at nilalait pa rin ng mga bashers dahil nga alam nilang nagbago ang itsura nito dahil sa magic at epekto ng siyensya.
Sa nakaraang episode ng weekly magazine show ng GMA 7 na “Kapuso Mo, Jessica Soho” napag-usapan nga ang tungkol sa isyung ito.
Diretsahang tanong ni Jessica Soho sa singer-songwriter, “Pasensya na, Stell ha… pinaayos daw yung ilong mo?”
Sagot ni Stell sa batikang broadcast journalist at TV host, “Well, this time, sa panahon po ngayon, wala naman po kasing masama when it comes to enhancing yourself. Hashtag self-love.
“Kung du’n ka magiging masaya, du’n ka magiging confident, ano naman? Tsaka ang mahalaga, kung may budget ka, ipagawa mo na,” sagot ni Stell.
Sa isang interview sa binata, inamin niyang totoong nakakaramdam siya insecurity noong nagsisimula pa lamang ang SB19.
View this post on Instagram
“Kasi before, parang, na-experience ko ito, parang gusto ko i-improve yung sarili ko.
“Pero nandu’n yung maliit na bagay na iniisip mo na baka ma-judge ako, parang ganu’n.
“Like yung, kahit yung simple step o yung first step na magpunta sa derma para magpapa-facial, parang dati natatakot ako.
“Kasi baka mamaya ma-judge ako so sasabihin, ‘Bakit ka nagpapaganyan, e, mahal niyan? Kaya ba ng budget mo? Kaya mo bang i-maintain yung ganyan?’
Baka Bet Mo: Stell kumikita na nang bonggang-bongga para sa sarili at pamilya; sinigurong hindi mabubuwag ang SB19
“So dati pa lang, iniisip ko iyan, parang hindi ko kaya. So yung gusto kong gawing first step for myself, hindi ko masimulan dahil sa mga iniisip ko at dahil sa iniisip kong sasabihin ng ibang tao sa akin,” aniya.
“Tapos, starting from that small step, kahit may konting improvement, improvement pa rin siya na nakaka-proud. Kasi before, hindi ko siya magawa for myself.
“Pero ngayon, knowing na may mga tao and big company na talaga sinusuportahan kami, parang sabi ko, ang saya sa pakiramdam. Kasi yung step na gusto kong gawin before, nagiging possible na siya ngayon,” ang pahayag pa ni Stell sa naturang panayam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.