Stell ninerbiyos sa David Foster concert, na-pressure kay Celine

SB19 Stell ninerbiyos sa David Foster concert, na-pressure kay Celine

Ervin Santiago - June 20, 2024 - 12:06 PM

SB19 Stell ninerbiyos sa David Foster concert, na-pressure kay Celine

SB19 Stell, Celine Dion at David Foster

MATINDING nerbiyos ang naramdaman ng isa sa mga miyembro ng SB19 na si Stell Ajero nang ipakanta sa kanya ni David Foster ang “All By Myself” ni Celine Dion.

Marami ang nagkomento na super confident daw ang singer-songwriter sa kanyang performance sa concert ni David Foster na ginanap last Tuesday, June 18, sa Araneta Coliseum.

Pero ang hindi raw alam ng audience, sobrang kabado si Stell bago at habang ibinibirit ang kanta ni Celine na kinakanta rin noon ni Charice Pempengco (Jake Zyrus na ngayon) sa mga concert ni David.

Baka Bet Mo: Hit songs ni Celine Dion ‘binuhay’ sa upcoming film na ‘Love Again’

Viral na ngayon ang video ng SB19 member sa social media kung saan maririnig ang sigawan at malakas na palakpakan ng mga nasa Big Dome. Talaga namang nabigyan ng hustisya ng binata ang naturang kanta.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Stell Ajero (@stell16_)


Until now nga ay parang nasa Cloud 9 pa rin si Stell dahil sa patuloy na papuri sa kanya ng mga nakapanood sa Araneta at sa kanyang viral video. Hindi raw siya makapaniwala na nagawa niyang tapusin ang “All By Myself.”

Kuwento ng singer, nagulat daw siya talaga nang tanungin siya ni David Foster kung gusto niyang kantahin ang kanta ni Celine. Hindi kasi ito kasali sa mga songs na napili nila para sa concert ng international record producer.

Siya ang nagsilbing opening act sa show kung saan kinanta niya ang “All I Ask” ni Adele, “Defying Gravity” from the musical “Wicked,” at ang kanyang debut solo single na”Room.”

Baka Bet Mo: SB19 Stell sa tumawag sa kanya ng ‘panget’: Hindi naman ako nasaktan

“During the rehearsals po, pinaakyat ako sa stage to rehearse my three songs. Nagulat po ako nagre-rehearse si Sir David.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Stell Ajero (@stell16_)


“So, akala ko mamaya pa ako, tapos bigla niya akong tinanong kung suot ko na raw yung in-ears ko. ‘Do you have your ears on?’

“Yes, sabi ko. ‘Do you wanna try this song?’ Sabi ko what song? Sabi niya ‘All By Myself’. Tanong ko, am I going to perform this song tonight? Sabi niya, yes we can try,” pahayag ni Stell sa panayam ng ABS-CBN.

Mas lalo pa raw inatake ng kaba ang miyembro ng SB19 nang sabihan siya ni David na kering-keri niyang tirahin ang naturang kanta.

“Ginuide niya po ako sa mismong arrangements, yung tono, after po nu’n sabi niya ‘do you want to perform this song tonight?’

“Ang daming naglalaro sa isip ko, sinabi ko sa kanya ‘if it’s okay with you sir?’ Sabi niya okay!” aniya.

Nadagdagan pa ang pressure na nararamdaman niya habang nagpe-perform nang ipakita ang video ni Celine kung saan ikinuwento nito kung paano iniregalo sa kanya ni David ang “All By Myself.”

“Sobrang pressured po talaga. Actually hanggang ngayon pag nakikita yung videos sa social media, iniisip ko, paano ko nagawa yun?

“Ang sinabi niya kasi pinakakinabahan ako, sabi niya ‘Stell you only got once chance to try this song?’ Sinabi niya po bago yung performance ko,” chika pa ng binata.

Todo-todo ang pasasalamat ni Stell kay David at sa lahat ng nag-post at nagpadala sa kanya ng magaganda at positibong komento sa kanyang performance.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Game na game rin daw siya sakaling imbitahan ni David na maging guest performer sa susunod niyang concert tour.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending