SB19 Stell sa viral All By Myself: Parang nanalo kami sa contest!

SB19 Stell sa viral All By Myself: Grabe! Parang nanalo kami sa contest!

Ervin Santiago - June 20, 2024 - 07:51 AM

SB19 Stell sa viral All By Myself: Grabe! Parang nanalo kami sa contest!

SB19 Stell at David Foster

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang member ng SB19 na si Stell Ajero na nabigyan niya ng hustisya ang kantang “All By Myself” ni Celine Dion.

Nangyari ito sa katatapos lang na concert ni David Foster na ginanap sa Araneta Coliseum kung saan umani siya ng napakalakas na palakpakan at sigawan mula sa audience.

Si Stell ang naging opening act ng “Hitman: David Foster and Friends” concert, kung saan kinanta niya ang “All I Ask” ni Adele, “Defying Gravity” mula sa “Wicked” musical, at ang latest single niyang “Room.”

Baka Bet Mo: SB19 Stell pasok uli bilang coach sa The Voice Kids ng GMA: Choose me!

Pagkatapos nito, muli siyang inimbita ni David sa stage para nga kantahin ang “All By Myself” at in fairness, nagustuhan ito ng lahat at umani ng papuri mula sa mga nasa Araneta.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SB19_STELL ⍟ (@stell.ajxro)


Ayon kay David, napaka-powerful ng performance ni Stell at nakikita niyang mas malayo pa ang mararating ng SB19 member.

“Wow! What a voice. And he is your very own. He’s gonna have a major career ahead,” ani David.

Sa kanyang X account, ibinahagi ni Stell ang kanyang mensahe para sa bonggang experience niya sa naturang concert. Sey ng binata, hinding-hindi niya makakalimutan ang tagpong yun sa kanyang career.

Kahapon, June 20, nag-post uli si Stell sa Facebook at nagkuwento tungkol sa naging experience niya sa concert ni David.

“I’m still shocked. Hindi pa rin ako makapaniwala na nabigyan ako ng ganitong opportunity to perform on stage with the hitman, Mr. David Foster.

“So pag-akyat ko ng stage, dapat mag-soundcheck na ako for my spot. Pero nagulat ako (na si) Sir David is playing the piano.

“Then he asked me kung suot ko na in-ears ko kasi puwede daw naming i-try ‘yung song. Nagulat ako, sabi ko sa utak ko, ‘what song?’

“So napa-‘huh!’ ako, then sabi niya, ‘All by Myself,’ give it a try daw. Bilang lutang ako sa sobrang gulat, kinanta ko na lang siya kung paano ko siya kinakanta.

“After i-play ‘yung arrangement nu’ng song, sabi niya, ‘Do you want to perform this song tonight?’ Nasabi ko na lang, ‘If it’s okay with you, sir.’ Biglang ‘boom!’ Ayun na ang nangyari.


“Para akong nag-audition talaga. Na-manifest ko yata. Grabe ‘yung kaba ko. Akala ko pina-try niya lang sa ‘kin.

Baka Bet Mo: SB19 Stell wala pa ring time magdyowa; pangarap magbida sa horror movie

“Siyempre sino naman ako para tumanggi, di ba? Minsan lang ‘yung ganoong pagkakataon kaya binigay ko talaga ‘yung best ko.

“Pagkatapos kong mag-perform, grabe din ang sigawan ng team and staff sa likod! Para kaming nanalo sa contest tapos talon kami nang talon. Grabe!” sabi pa ni Stell.

“Ayun lang. Ang haba ng kuwento pero solid ang experience. Thank you sa lahat ng sumuporta.

“Thank you, Sir David Foster, and to the whole team. Sana nagustuhan niyo po ‘yung performance ko. Thank you, Lord, kayo po talaga ‘yung boses ko kagabi. Salamat po!” dagdag pa niya.

Mabilis nag-viral ang video ng pagkanta ni Stell ng “All By Myself” sa social media, kasabay ng pagte-trend ng hashtag #StellAtDavidandFriendsTour.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang nag-perform din ang international singer na si Charice Pempengco na Jake Zyrus na ngayon sa ilang concert ni David Foster kung saan kinanta rin niya ang  “All By Myself”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending