SB19, BINI fans sumugod sa 'Nasa Atin Ang Panalo' ticket release

SB19, BINI fans sumugod sa ‘Nasa Atin Ang Panalo Concert’ ticket release

Ervin Santiago - June 19, 2024 - 02:30 PM

SB19, BINI fans sumugod sa 'Nasa Atin Ang Panalo Concert' ticket release

Flow G, SB19, BINI at Sunkissed Lola

SAKSI kami sa pagiging solid ng pagmamahal at suporta ng mga fans sa P-pop super group na SB19 pati na sa sikat na sikat na rin ngayong all-female group na BINI.

Talaga namang sumugod ang mga A’TIN (fandom ng SB19) at loyal fans ng BINI sa Puregold QI sa Quezon City kahapon para sa ticket release ng “Nasa Atin Ang Panalo Thanksgiving Concert” na magaganap sa July 12 sa Araneta Coliseum.

Bukod sa fans ng dalawang pambatong P-pop group ng Pilipinas, nakipila rin doon ang mga tagasuporta ni Flow G at Sunkissed Lola na magiging bahagi rin ng naturang thanksgiving concert.

Baka Bet Mo: Karen Davila sa BINI: ‘OMG ang babait! Tama lang na iniidolo niyo sila!’

Karamihan sa mga nakausap namin sa naturang event ay nagsabing super excited na sila sa magaganap na concert ng kanilang mga idol.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SB19 Official (@officialsb19)


At in fairness, maayos at organized ang ticket release event na ito kaya walang nagkakagulo sa pila. Sapat din ang security staff at medical personnel upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng lahat.

Sabi ng mga nakausap naming fans ng SB19 na kinabibilangan nina Pablo, Stell, Ken, Justin at Josh, kahit saan magpunta at mag-show ang kanilang mga idol ay susugod sila at pinag-iipunan talaga nila ang budget.

“Walang iwanan sa SB19! Yung iba nga po sa amin, 8 p.m. pa nandito. Dito na sila natulog para mauna sa pila. Secured naman po kasi may mga guard nang nagbabantay,” sabi ng isang A’TIN.

Para naman sa Blooms, ang fandom ng grupong BINI na kinabibilangan nina Maloi, Aiah, Colet, Mikha, Jhoanna, Gwen, Stacey, Sheena, pamilya na ang turingan nila sa isa’t isa.

Baka Bet Mo: Robin Padilla nagtataka sa pagkahumaling ng Pinoy sa K-Drama: Mas pogi naman kami!

“Mahal na mahal po namin ang BINI at sana pa pang-forever na to, sana hindi sila magbago sa pagmamahal at pagpapahalaga nila sa amin,” sabi ng isang fan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SB19 Official (@officialsb19)


Grupo-grupo ang pagpasok ng mga fans sa Puregold QI para sa pagkuha nila ng mga ticket para sa naturang concert. In fairness, talagang makikita mo sa kanilang mukha ang kaligayahan nang mahawakan na nila ang kanilang ticket na karamihan ay pang-VIP.

“We are overwhelmed that we are able to present this one of a kind event that will bring together powerhouse talents to so many Filipinos,” ayon sa marketing manager na Clinton Ching.

Ipinapangako ng “Nasa Atin ang Panalo” concert ang isang gabing puno ng saya para sa mga A’TIN, Blooms, Dolores, at mga tagapaghanga ni Flow G. Asahan din ang mga sorpresang bisita sa concert na mapapaganda ng kabuuang karanasan ng mga pupunta.

Ayon sa PR manager at festival director ng Puregold CinePanalo na si Chris Cahilig, pinaghahandaan na ang concert sa pakikipagtutulungan ng Wish 107.5, ang partnership na instrumental—mula pa noong 2021—sa pagtuklas at pagtampok ng mga talento sa OPM.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang partnership na ito ay sumasalamin sa isang ibinahaging pangako na itaguyod at paunlarin ang mga lokal na musikero sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga plataporma na magiging daan upang sila ay mas makaabot ng malawak na mga tagapakinig.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending