BINI members banned ang account sa TikTok, Blooms nanawagan
USAP-USAPAN ngayon ang pagkaka-ban ng accounts ng nation’s girl group na BINI sa video platform na TikTok maliban sa account ng leader nilang si Jhoanna Robles.
Ngayong araw, June 15, hindi na ma-access ang mga accounts nina Aiah Arceta, Colet Vergara, Maloi Ricalde, Gwen Apuli, Stacey Sevilleja, Mikha Lim at Sheena Catacutan.
Agad namang umani ng samu’t saring komento mula sa netizens lalo na mula sa mga tagasuporta ng BINI ang naturang pangyayari.
Marami ang naglabas ng saloobin sa X (dating Twitter) at tinawag ang atensyon ng Star Magic, record label management ng BINI para ayusin at gawan ng aksyon ang pagkaka-ban ng accounts ng naturang girl group.
Baka Bet Mo: Viy Cortez tinawag na ‘cloutchaser’, nag-sorry kay BINI Gwen
View this post on Instagram
Samantala, nag-release naman na ng statement ang Star Magic ukol sa pagkakawala ng accounts ng mga dalaga at sinabing nag-reach out na sila sa TikTok at humingi ng tulong.
The group’s management already released a statement on the matter, saying they “reached out to TikTok to request their assistance in recovering the banned accounts,” saad nito sa kanilang official statements
“Additionally, we have been in constant communication with them regarding the verification of BINI’s TikTok profiles,” dagdag pa nito.
Matatandaang ngayong taon ay talagang nag-boom ang Ppop girl group matapos mag-viral Ng langa nilang “Pantropiko”.
2021 nang mag-debut ang BINI sa kanilang single na “Born To Win”.
Ilan pa sa mga kilalang kanta ng grupo ay ang “Salamin, Salamin”, “Lagi”, at “Karera”.
Noong Martes, June 11, ginanap ang BINI Day bilang parte ng kanilang third anniversary.
Gaganapin rin ngayong taon ang kanilang third anniversary concert na pinamagatang “BINIverse”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.