Viy Cortez tinawag na 'cloutchaser', nag-sorry kay BINI Gwen

Viy Cortez tinawag na ‘cloutchaser’, nag-sorry kay BINI Gwen

Therese Arceo - June 11, 2024 - 11:50 PM

Viy Cortez tinawag na 'cloutchaser', nag-sorry kay BINI Gwen

INULAN ng pambabatikos ang social media influencer na si Viy Cortez matapos nitong i-post ang mensahe sa kanya ng isa sa mga BINI members na si Gwen Apuli isang taon na halos ang nakalilipas.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi ng social media personality ang screenshot ng mensahe sa kanya ng BINI patungkol sa anak nitong si Kidlat.

Tila pina-follow ni Gwen si Viy at aliw na aliw ito sa panganay nilang anak ng Team Payaman leader na si Cong TV.

“Wahhhh ily kidlat! [emojis]” mensahe ni Gwen.

Baka Bet Mo: Cong TV pumalag sa nagsasabing ‘magnanakaw’ sila ni Viy Cortez: Never naming gagawin manglamang sa kapwa

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pinost naman ito ni Viy sa kanyang social media account ma may caption na “ily din bini_gwen [emojis] sorry at now ko lang ito nakita [emojis].”

Agad namang itong inulan ng batikos mula sa mga netizens at supporters ng BINI na tinatawag na blooms.

Chika ng iba, ngayon lang daw napansin ni Viy ang mensahe ni Gwen dahil ngayon pa lang ito sumikat.

Binura naman na ng social media personality ang pinost niyang screenshot at humingi ng tawad sa mga nakabasa.

“Sorry guys kung now ko lang po ito nakita. Wala ako intensyon na di mamansin. Sadyang nung finollow ko po sila saka ko lang po nakita ang mga message [emoji]. Ganon po sa IG (Instagram) di mo makikita agad ang nag-message,” sey ni Viy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa niya, “Guys di po talaga ako natingin sa IG na messagr nung finolloe ko po sila lahat nakita ko ito.”

Marami rin naman sa mga fans ng Team Payaman ang dumipensa kay Viy at sinabing hindi lang for clout ang pag-post nito dahil fan talaga siya ng BINI maging ang iba pang miyembro ng grupo.

Wala pa namang pahayag si BINI Gwen ukol sa isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending