Cong TV pumalag sa nagsasabing 'magnanakaw' sila ni Viy Cortez: Never naming gagawin manglamang sa kapwa | Bandera

Cong TV pumalag sa nagsasabing ‘magnanakaw’ sila ni Viy Cortez: Never naming gagawin manglamang sa kapwa

Therese Arceo |October 18,2023
facebook
share this

Cong TV pumalag sa nagsasabing ‘magnanakaw’ sila ni Viy Cortez: Never naming gagawin manglamang sa kapwa

Therese Arceo - October 18, 2023 - 02:18 PM
Cong TV pumalag sa nagsasabing 'magnanakaw' sila ni Viy Cortez: Never naming gagawin manglamang sa kapwa

INALMAHAN ng social media influencer na si Cong TV ang kumakalat na post at paratang na isa silang scammer.

Isang netizen na nagngangalang Bernadette C. Smith ang nagkakalat ng diumano’y “exposé” laban sa mga kilalang personalidad na bahagi raw ng “scampanies”.

Agad namang nakarating sa kampo nila Cong ang post at agad na dinipensahan ang sarili laban sa mga paratang ng netizen.

Ayon kasi sa isang post, kasali sila ng kanyang fiancè na si Viy Cortez sa mga diumano’y scammers sa bansa.

“Cong at Viy. You failed you followers. You scammed them bigtime. No explanations.

Sayonara,” saad ni Bernadette sa isang post.

Dagdag pa niya, “Pinas Kung di Kayo gigising Next Pakistan Kayo. pumupwesto na ang sindikato sa lahat ng Industrya. Kakainin Kayo ng buong buo… Baka 2yrs pulubi ka na sa gagawin nila.”

Baka Bet Mo: Cong TV ibinandera ang fitness journey: Nakakabilib kayang gawin ng isang taon ‘pag nag-decide ka talaga na magbago

https://www.instagram.com/p/CyAZ31jMZlG/

Sagot naman ni Cong, “Nung una medyo naniniwala ako sayo pero nung dinamay mo kami. nawala na agad credibilidad mo sakin. kala ko may katotohanan sa paratang mo. wala pala talaga.”

Nilinaw rin niya na si Alfonso, Cavite Mayor Randy Salamat ang nag-introduce sa kanila sa owner ng restaurant na kanilang iniendorso at hindi ito ang may-ari.

“Si mayor randy salamat ay isa sa nag introduce samin sa may ari… Pinagsasabi mong scammer kami. Never namin gagawin mang lamang sa kapwa tandaan mo yan,” giit pa ni Cong TV.

Maging ang iniendorsong negosyo nito na King Sisig at Bulala World ay naglabas na ng statement ukol sa kumakalat na isyu.

“For the last 11 years, King Sisig and Bulalo 

We are also thankful for our partner endorsers Mr. Cong TV and Ms. Viy Cortez. This year, Cong and Viy have given their valuable time and energy in supporting King Sisig and Bulalo World milestones and projects – We attest to their professionalism and integrity,” bahagi ng kanilang official statement.

Related Chika:

Cong TV nag-propose na kay Viy Cortez: Iniisip ko kung paano pero bahala na

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cong TV never nag-cheat kay Viy Cortez: Magloloko ka pa ba, siya na nagpapa-gas ng motor ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending