Cong TV ibinandera ang fitness journey: Nakakabilib kayang gawin ng isang taon ‘pag nag-decide ka talaga na magbago
PROUD na ibinandera ng social media influencer na si Cong TV o si Lincoln Velasquez sa totoong buhay ang kanyang naging journey sa pagkakaroon ng healthy lifestyle.
Sa kanyang latest Instagram photo ay ibinahagi niya ang kanyang before and current photo mula nang magdesisyon siya na baguhin ang kanyang nakasanayan dahil unti-unti na siyang nakakaramdam ng hindi maganda sa kanyang katawan.
“Nakakabilib kayang gawin ng isang buwan pag nagdecide ka talaga na may magbago,” pagbabahagi ni Cong.
Dagdag pa niya, “Excited na ako para sa one year !! Shoutout sa coaches ko for this journey!”
Agaw pansin naman ang komento ng kanyang fiancèe na si Viy Cortez.
“Sarap mo,” sey nito kay Cong na ikinaaliw ng kanilang followers.
Matatandaang noong nakaraang buwan lang nang magsagawa ng body transformation challenge ang vlogger sa Team Payaman boys kung saan kung sino ang mananalo ay magkakamit ng isang milyong piso.
View this post on Instagram
Ibinahagi nga ni Cong sa kanyang mga nagdaang vlogs ang documentation ng ginagawa nilang page-exercise sa gym at ang kanilang pagda-diet para sa mas malusog na pangangatawan at para na rin sa malaking halagang papremyo.
Nakatakdang ianunsyo ng vlogger ang nanalo sa challenge sa susunod nitong upload sa kanyang YouTube channel.
Sa huli upload ni Cong ay ibinahagi niya na ang main reason ng desisyon niyang magkaroon ng healthy living sy dahil sa hindi naging magandang resulta ng kanyang nakaraang lab tests.
At upang maiwasan na mas lumala ito ay pinili na niyang maging disiplinado kaya naman hindi na kataka-takang nagbunga ang kanyang pagda-diet at frequent exercise.
Sa last vlog rin ni Viy ay napag-usapan nila ni Cong kung ano ang dahilan ng huki sa kanyang pagbangon araw-araw.
Aniya, ito raw ay dahil sa kanilang anak na si Kidlat.
Biro naman ni Viy, “Hindi sa gym?”
Dito sy ikinuwento ni Cong na may kaugnayan kay Kidlat at sa kanilang pamilya ang kanyang paggi-gym.
“Kaya rin ako naggi-gym kasi gusto kong abutan niya kong malakas. Gusto ko ang abutan niyang version ko, ’yung version na kaya makipag-laro sa kanya. Kaya siyang sabayan sa trip niya. Kaya mag-basketball,” lahad ni Cong.
Dagdag pa niya, “Kasi totoo ’yan eh, pag 41 ako, dun palang siyan 10. Pag 51 ko, dun palang siya bente. So ’yun palang yung peak niya as a… kung maging atleta man siya or kung ano man yung trip niya sa buhay. So gusto ko, nandodoon ako sa tabi niya. And gusto ko magabayan ko siya all throughout ng buhay niya hanggang sa kaya niya na yung sarili niya.”
Related Chika:
Cong TV kinuha si James Reid bilang ninong ni Baby Kidlat
Cong TV na-inspire sa kwento ng kasambahay, ido-donate ang kikitain ng vlog para makatulong
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.