Cong TV na-inspire sa kwento ng kasambahay, ido-donate ang kikitain ng vlog para makatulong | Bandera

Cong TV na-inspire sa kwento ng kasambahay, ido-donate ang kikitain ng vlog para makatulong

Therese Arceo - September 08, 2022 - 03:53 PM

Cong TV na-inspire sa kwento ng kasambahay, ido-donate ang kikitain  ng vlog para makatulong
ISANG buhay na naman ang mababago ng vlogger at social media influencer na si Cong TV o si Lincoln Velasquez sa totoong buhay.

Sa kanyang latest vlog na pinamagatang “servis” ay isang maswerteng kasambahay ang napili ng sikat na vlogger at brand endorser na tulungan.

Makikita sa gitna ng vlog na isang grupo ang dumalaw sa tapat ng bahay nila Cong upang magpakuha ng larawan sa kanya kasama ang isang lola.

Pinaunlakan naman niya ang mga ito at nang lumapit ang lola para magpapicture ay tinanong niya ito.

“Namamasko po ba kayo?” tanong ni Cong.

Nang sumagot ang lola ay agad na nag-ala Willie Revillame ang vlogger at binigyan niya ito ng limang libo.

“Hindi ko pala natanong si Nanay kung ano ang masasabi niya doon sa binigay kong pera kasi ‘yun ang magpapataas ng views eh,” pabirong saad ni Cong habang papalabas ng bahay para hanapin ang lola.

Habang hinahanap niya ang lola ay may babae siyang nakita at pinagtanungan kung nakita ba nito ang kanyang taong hinahanap.

Nilapitan naman siya nito at sinagot ngunit sa kasamaang palad ay hindi rin nakita ng babae ang hinahanap ni Cong.

At dahil hindi nakita ng vlogger ang lola ay binigyan na lang rin niya ang babaeng pinagtanungan ng limang libo at tinanong ito kung anong masasabi niya sa binigay sa kanyang biyaya.

Nagpasalamat naman ang babae kay Cong at pabirong sinabi ng vlogger na kumpleto na ang kanyang content.

Pero muling binalikan ng ama ni baby Kidlat ang babaeng pinagtanungan para tanungin kung may malungkot itong istorya na pwedeng i-share.

Kung kayo ay masugid na manonood ng kanyang vlogs, alam mong biro lang ang pagtatanong ni Cong ng malungkot na istorya sa mga tao para sa dagdag views.

Ngunit marahil ay naantig siya sa naging istorya ni Ate dahil napag-alaman niyang namamasukan ito bilang kasambahay.

“Siyempre ako’y nangangatulong para sa mga anak ko. Marami pa kasi akong mga anak at tatlo pa ang estudyante ko,” saad ni Ate Tess.

Aniya, ang ibinigay raw na pera ng social media influencer ay ipadadala nito sa probinsya para sa mga gastusin ng kanyang mga anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cong TV (@thecongtv)

“Nakakatuwa kasi mayroong isang istorya na nasaksihan ngayong araw and sobrang unexpected to kasi actually nagti-trip trip lang kami,” sey ni Cong.

Chika pa ng leader ng Team Payaman, akala daw niya ay naibigay niya ang pera sa may-ari ng bahay.

Sa dulo ng vlog ay isiniwalat ni Cong na ang kikitain ng kanyang naturang vlog ay mapupunta kay Ate Tess para makatulong sa kanilang pamilya at sa mga anak na kasalukuyang nag-aaral.

“Ang napili nating kwento sa Wish Cong Lang ay ang kwento ng inspirasyon ni Ate Tess. Isa siyang magandang ehemplo sa maraming mga nanay, mga magulang na nagsusumikap at nagpapakita na sa anumang hirap ng buhay, kailangan itong labanan.

“Ang galing mo Ate Tess at dahil dyan, ang lahat ng kikitain ng video na ito ay mapupunta sa ‘yo,” sey niya.

Hindi naman na bago ang gawaing ito kay Cong dahil marami na rin siyang natulungan tulad ng dati nilang kasamahan na si Mamita at ang katuwang rin nila ngayon sa payamansion na si Kuya Inday.

Related Chika:
Viy Cortez, Cong TV magpapatayo na ng sariling bahay: Tuparin pa natin ang mga pangarap natin nang magkasama

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Viy Cortez, Cong TV ipinasulyap ang kanilang first baby sa madlang pipol

Viy Cortez, Cong TV ibinandera ang mukha ni Baby Kidlat, netizens super happy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending