Viy Cortez, Cong TV ibinandera ang mukha ni Baby Kidlat, netizens super happy | Bandera

Viy Cortez, Cong TV ibinandera ang mukha ni Baby Kidlat, netizens super happy

Therese Arceo |July 13,2022
facebook
share this

Viy Cortez, Cong TV ibinandera ang mukha ni Baby Kidlat, netizens super happy

Therese Arceo - July 13, 2022 - 03:18 PM

Viy Cortez, Cong TV ibinandera ang mukha ni Baby Kidlat, netizens super happy

SUPER proud na ipinakita ng social media personalities na sina Viy Cortez at Cong TV ang mukha ng kanilang anak na si Zeus Emmanuel Velasquez o si Baby Kidlat.

Unang nasilayan ang mukha ng kanilang panganay sa latest vlog ni Cong na may title na “Tingin”.

Nagkaroon kasi ng series of vlogs ang first time daddy kung saan ipinapakita niya ang kanyang paghahanda kung paano maging ama at dahil nga tapos na ang kanyang simulation sa pagiging daddy ay ready na siyang mag-focus at alagaan si Baby Kidlat.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Viycortez (@viycortez)

Sinundan naman ito ng pagpo-post ni Viy sa kanyang Instagram story ng larawan ni Baby Kidlat na naka-smile.

“I love you anak ko,” saad ng first time mommy.

Ibinandera rin ni Viy ang larawan ng kanyang mag-ama kung saan buhat buhat ni Cong TV si Baby Kidlat.

“Parehas tayo Kidlat anak nakabungisngis pag kausap ang daddy,” caption niya sa kanyang social media post.

Super happy naman ng mga followers ng Team Payaman dahil finally ay nasulyapan na nila ang anak nina Viy at Cong.

Hindi maiwasan ng mga ito na manggigil dahil super cute ni Baby Kidlat lalo na kapag nakangiti ito.

Nagkaroon pa nga ng poll ang mga ito kung saan tinatanong nila kung sino nga ba kina Cong at Viy ang kamukha ni Zeus Emmanuel.

“Lahat talaga ng ginagawa ni Cong maganda, mapa-vlog o baby. Gandang lalaki ni Kidlat! Congrats po,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Manang mana nga kay Viy ang pagiging bungisngis ni Baby Kidlat! Pakagwapo!

“Mommy Viy you are doing a good job. Huwag ka mag give up sa pag-breastfeed kay Zeus. Trust me everything will be worth it,” hirit naman ng isa.

Isang linggo pa lang ang nakalilipas buhat nang isilang ni Viy si Baby Kidlat ngunit hindi pa man ito dumarating ay damang-dama na agad ang pagmamahal ng dalawa para sa kanilang anak.

Super happy rin ang mga solid supporters ng Team Payaman dahil dumating na ang tamang panahon para kina Cong at Viy.

Paniniwala nila, nagbalik na vlogger couple si Kidlat dahil ito ang perfect timing para bumuo sila ng pamilya.

Noon kasi ay nakunan si Viy sa hindi inaasahang pagkakataon pero ngayon nga ay nakamtan na nila ang perfect timing para magsimula ng bagong yugto ng buhay dahil naibigay na nila sa kanilang mga pamilya ang mga matagal na nilang pinapangaeap na maibigay gaya ng bahay at magandang pamumuhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Viy Cortez dedma lang sa itsura basta masigurong OK si Baby Kidlat

Viy Cortez kay Cong TV: Kuntento ako sa ano mang meron tayo

Viy Cortez, Cong TV ipinasulyap ang kanilang first baby sa madlang pipol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending