Cong TV nag-propose na kay Viy Cortez: Iniisip ko kung paano pero bahala na | Bandera

Cong TV nag-propose na kay Viy Cortez: Iniisip ko kung paano pero bahala na

Therese Arceo |November 04,2022
facebook
share this

Cong TV nag-propose na kay Viy Cortez: Iniisip ko kung paano pero bahala na

Therese Arceo - November 04, 2022 - 09:40 AM

UMIIYAK sa tuwa ang vlogger-social media influencer at businesswoman na si Viy Cortez nang finally ay mag-propose na sa kanya ng kasal ang partner at kapwa vlogger na si Cong TV o Lincoln Velasquez sa totoong buhay.

Ang naturang wedding proposal ay naganap isang araw matapos i-celebrate ng leader ng Team Payaman ang kanyang kaarawan pati na rin ang binyag ng panganay nilang anak na si Baby Kidlat.

Habang ang lahat ay abalang kumakain ay nagpanggap ang bayaw nito at kapwa vlogger rin na si Boss Keng na magpapalaro.

Dito na nga pumasok si Cong at nilapitan ang longtime girlfriend at ina ng kanyang anak.

Lumuhod ito sa harapan ni Viy at binigkas ang matagal nang hinihiling ng vlogger-businesswoman.

Saad ni Cong, “Nagtatanong ka sa akin noong nakaraan kung ano ‘yung regalong gusto kong [ibigay mo sa akin], ang sabi ko sa ‘yo, wala pero sa totoo lang ito talaga ‘yung nasa isip ko matagal na.”

“Naghahanap lang ako ng tiyempo. Iniisip ko kung paano pero sabi ko ‘Bahala na’, kaya ngayon pinapunta ko sila Tita. Ito ang pinakamagandang regalo na ibibigay mo sa akin ngayong birthday ko.”

Muling tanong ni Cong, “Uulitin ko ‘yung tanong. Will you marry me?”

“Yes,” saad ni Viy habang naluluha sabay yakap sa soon-to-be -husband.

Agad namang nagtilian ang lahat ng nakasaksi sa proposal ni Cong at halatang masayang-masaya para sa dalawa.

“Worth the wait,” dagdag pa nito habang isinusuot sa kanyang kamay ang singsing.

Sa dulo ng vlog ay nagbigay ng nakaaantig na mensahe si Cong sa kanyang future maybahay.

“We’ve come a long way but a lot to go… Solid kasi naging sandalan kita sa mga pinakamahihirap na parte ng buhay ko st salamat sa Diyos na ikaw ang kasama ko ngayon sa pinakamasasarap na parte.

“Swerte ko kasi sa ‘yo ko kailangang tanungin ‘yung ‘Will you marry me?’. Bukod kasi sa sure ako na o-oo ka sa akin ay wala na akong mahihiling pa sa isang babaeng katulad mo,” sey ni Cong.

Lahat na nga raw ng mga ugali na hinahanap niya sa kanyang magiging kabiyak ay nahanap niya kay Viy.

“Matalino, madiskarte, maganda, nakakatawa, mapagmahal na anak, at unbelievable na ina. Mga bagay na parehas na parehas tayo. I love you, love. Maraming salamat sa pag-unawa mo, sa pagmamahal mo sa akin at higit sa lahat, sa matiyagang paghihintay mo sa akin,” dagdag pa ni Cong.

Alam na alam ng lahat ng matagal nang tagasubaybay ng Team Payaman kung gaano kasaya si Viy ngayong nag-propose na ang lider ng grupo.

Noon pa man kasi ay kinukulit na niya si Cong kung kailan sila magpapakasal bago pa man ang naging wedding ng nakababatang kapatid niyong sina Pat at Junnie Boy.

Sa katunayan, ibinandera ni Viy ang kanilang larawan sa Instagram.

“Una pa lang alam ko na ikaw ang magiging asawa ko,” sey ni Viy kay Cong.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Viycortez (@viycortez)

Pitong taon nang magkarelasyon ang dalawa at nito ngang Agosto 2022 nang ipanganak ni Viy ang kanilang panganay na si Zeus Emmanuel Velasquez o mas kilala bilang Kidlat.

Related Chika:
Viy Cortez, Cong TV ibinandera ang mukha ni Baby Kidlat, netizens super happy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Viy Cortez, Cong TV magpapatayo na ng sariling bahay: Tuparin pa natin ang mga pangarap natin nang magkasama

Viy Cortez, Cong TV ipinasulyap ang kanilang first baby sa madlang pipol

Cong TV na-inspire sa kwento ng kasambahay, ido-donate ang kikitain ng vlog para makatulong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending