Cong TV kinuha si James Reid bilang ninong ni Baby Kidlat | Bandera

Cong TV kinuha si James Reid bilang ninong ni Baby Kidlat

Therese Arceo - October 27, 2022 - 07:06 PM

Cong TV kinuha si James Reid bilang ninong ni Baby Kidlat

ACHIEVEMENT unlocked para sa famous vlogger at social media influencer na si Cong TV matapos siyang magtagumpay na makuha ang singer-actor na si James Reid para maging ninong ng kanyang panganay na anak na si Baby Kidlat.

Sa kanyang latest vlog ay ibinahagi niya ang kanyang naging paghahanap ng mga magiging ninong ng kanyang anak na bibinyagan ngayong buwan.

Kasabay na rin kasi ng binyag ni Baby Kidlat ay ang birthday celebration ni Cong.

Pagbabahagi pa niya, medyo nape-pressure siya sa paghahanap ng magiging pangalawang magulang ng kanyang anak dahil nakakuha ang kanyang longtime girlfriend na si Viy Cortez ng sikat na influencer para maging ninang ni Baby Kidlat at ito nga si Donnalyn Bartolome.

At dahil nga competitive rin si Cong TV at gusto rin niyang may sikat na maging ninong ang anak, nagsimula na siyang maghanap ng mga ninong at una niyang nakausap ang kapatid at kapwa vlogger na si Junnieboy pati ang kanilang brother-in-law na si Boss Keng.

Sumunod naman niyang nilapitan ang mga kasama at katuwang nila sa bahay na sina Kuya Inday, Kuya Mhike, Kuya Teryo, at Kuya Lim.

View this post on Instagram

A post shared by Cong TV (@thecongtv)

At sumunod namang tinanong ni Cong ang iba pang mga miyembro ng Team Payaman na sina Yoh, Dudut, Burong, Carding, Mentos, Kevin, at marami pang iba.

Pero sa katunayan, nais lang talaga niya mag-practice kung paano magtanong sa tao kung maaari ba itong maging ninong ng kanyang anak dahil may nais siyang maimbitahang bigating celebrity.

At sa huli part nga ng kanyang vlog ay ibinahagi ni Cong ang pag-uusap nila ng actor at singer na si James Reid.

Tanong niya, “Can you be the father of my baby? Ay, ano ba ‘yung ano… godfather?”

Pabirong dagdag pa ni Cong, “I’m sorry I’m nervous, e. Maybe you want to be the father?”

“Yeah sure,” sagot naman ni James.

Tila sinigurado naman ni Cong na talagang pumapayag si James na magninong sa kanyang anak dahil makalipas ang ilang minuto ay muli niya itong tinanong.

“By the way, James, is that a yes, the godfather thing?” pagkukumpirma niya.

Balik-tanong ni James, “You mean to be the godfather?”

“Yes. You don’t have to attend the ceremony at all… So I can just you know, maipamalita ko lang sa amin na ninong ka,” pagkukumbinsi ni Cong.

“Yes, why not,” muling sagot ni James.

Nagkamayan pa nga sina Cong at James tanda na seryoso sila sa kanilang naging usapan.

Matatandaang noon ay pasimple nang biniro ni Papa Shoutout, ama ni Cong TV, na isa sa magiging ninong ni Kidlat ang singer-actor sapagkat nagkasama sila sa pag-eendorso ng isang brand ng softdrinks.

At ngayon nga ay totoo na ang balita at isa na sa mga sakalam ninong ni Kidlat si James.

Related Chika:
Viy Cortez, Cong TV ibinandera ang mukha ni Baby Kidlat, netizens super happy

Viy Cortez, Cong TV ipinasulyap ang kanilang first baby sa madlang pipol

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Baby nina Viy Cortez at Cong TV na si Baby Kidlat pampa-good vibes sa socmed: Nakakawala siya ng stress!

Cong TV na-inspire sa kwento ng kasambahay, ido-donate ang kikitain ng vlog para makatulong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending