Cong TV never nag-cheat kay Viy Cortez: Magloloko ka pa ba, siya na nagpapa-gas ng motor ko | Bandera

Cong TV never nag-cheat kay Viy Cortez: Magloloko ka pa ba, siya na nagpapa-gas ng motor ko

Therese Arceo |October 07,2023
facebook
share this

Cong TV never nag-cheat kay Viy Cortez: Magloloko ka pa ba, siya na nagpapa-gas ng motor ko

Therese Arceo - October 07, 2023 - 11:01 PM

Cong TV never nag-cheat kay Viy Cortez: Magloloko ka pa ba, siya na nagpapa-gas ng motor ko

SUMAILALIM sa lie detector test ang social media influencers at long time couple na sina Cong TV at Viy Cortez.

Sa latest vlog ni Viy ay nag-level up na ang dating laruang nabibili online na lie detector test at kumuha na siya ng legit na lie detector test upang magkasubukan na sila ng kanyang future husband.

Nagkaroon ng pagkakataon sina Cong at Viy na tanungin ang isa’t isa ng mga bagay na hindi nila madalas pag-usapan.

Sa una ay very light at very funny pa ang tanungan ng dalawa sa isa’t isa gaya ng kung nababahuan ba sila sa hininga ng isa’t isa hanggang sa unti-unti nang lumalalim ang kanilang tanungan.

Isa sa mga natanong ni Viy kung may mga pagkakataon ba na nagsinungaling na si Cong sa kanya gaya ng pagpunta sa ibang babae nang hindi niya alam.

“Wala,” sagot nito na sinegundahan naman ng lie detector.

“Sa 8 years, kumbaga nandyan na si Viy. ‘Yung focus ko, sarili ko, kung paano ko ayusin ‘yung buhay ko, kung paano ko aayusin ‘yung buhay ng pamilya ko, kung paano ko aayusin ‘yung buhay ko in the future. ‘Yun na lang ang iniintindi ko,” lahad ni Cong.

Ilan pa sa mga naging tanong ni Viy ay kung sumagi na ba sa utak ng fiancèe kung anong magiging buhay nito sakaling wala siya sa tabi nito.

Baka Bet Mo: Cong TV ibinandera ang fitness journey: Nakakabilib kayang gawin ng isang taon ‘pag nag-decide ka talaga na magbago

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sey ni Cong, “Iniisip ko lang, nasaan kaya ako ngayon. Tagumpay kaya ako o kabaligtaran?”

May mga nakikita raw kasi siyang mga posts na ang kanyang success ay hindi lang dahil kay Viy kundi dahil sa sarili niya.

“Sa akin, wala e, importanteng part ka ng kung nasaan ako ngayon. Siguro ‘yun rin ang bumuo sa kung nasaan tayo ngayon,” pagpapatuloy ni Cong.

Maski si Viy ay napaisip nang makita raw niya ang naturang post at napatanong sa sarili kung may naitulong nga ba siya sa fiancèe dahil aminado siya na malaking parte rin ang future asawa ng natatamo niyang success sa kasalukuyan.

Sa mga sumunod na tanong naman ay nausisa ni Viy kung may pagkakataon ba na may naka-text si Cong na ibang babae at binura nito ang message.

“Wala,” sagot nito at truth ang resulta.

“Noong time na seryoso na kami ni Viy, alam niya naman noong time na ‘yun ay siya… magloloko pa ba, siya na nga nagpapa-gas nung motor ko ng bente pesos,” kuwento ni Cong.

Dagdag pa niya, “Siya nagtatrabaho tapos ako vlog-vlogan lang ganun. Pabalik balik kami. Basically ‘yung buhay ko sa kanya na lng umikot talaga not until dumating si Kidlat.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Viy Cortez niregaluhan ng mamahaling motor si Cong TV: ‘Deserve naman niya yan, ngayon ko lang siya bineybi nang ganito’

Viy Cortez, Cong TV magpapatayo na ng sariling bahay: Tuparin pa natin ang mga pangarap natin nang magkasama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending