Migs Bustos dumulog sa NBI, nagamit ang mukha sa ‘love scam’
SUMANGGUNI ang ABS-CBN sports news presenter na si Migs Bustos sa National Bureau of Investigation para maghain ng reklamo dahil nagamit ang kanyang mukha sa pang-i-scam.
Ayon sa sports news presenter, may nakapagsabi sa kanya na ginagamit ang kanyang mukha sa mga deepfake photos at videos para makakuha ng pera sa mga biktima matapos itong mapa-ibig.
“Meron daw pong naloko ng $200,000 allegedly tapos ginamit niya po ‘yong mukha ko, ‘yong likeness ko, photoshopped photos, videos, may mga AI-generated videos pa,” saad ni Migs sa ulat ng ABS-CBN News.
Baka Bet Mo: Migs Bustos papalit kay Kuya Kim sa ‘TV Patrol’; Jhong muling tatakbo bilang konsehal ng Makati
Bandera IG
Kaya naman kasama ang kanyang abogado ay dumulog si Migs sa NBI para magsampa ng karampatang reklamo sa paggamit sa kanyang identity.
Ayon naman kay NBI Director Jaime Santiago, may mga gumagamit raw talaga ng mga larawang kilalang personalidad para sa tinatawag na “love scam”.
Marami naman sa mga netizens ang nakisimpatya kay Migs Bustos habang ang ilan naman ay nagbiro patungkol sa pagiging pogi ng mamamahayag.
“Hayan dapat masampolan yang mga yan…”
“Pogi ni kuya kya pla ginamit picture nia.. buti mga panget safe kya ayan mga bitter sa comsec ”
“Ang dami kasi uto-uto at tanga ngayon ang daling maniwala sa mga post . Wag maging tanga.”
“Delikado pala talaga kapag pogi hahaha.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.