Migs Bustos papalit kay Kuya Kim sa 'TV Patrol'; Jhong muling tatakbo bilang konsehal ng Makati | Bandera

Migs Bustos papalit kay Kuya Kim sa ‘TV Patrol’; Jhong muling tatakbo bilang konsehal ng Makati

Therese Arceo |October 02,2021
facebook
share this

Migs Bustos papalit kay Kuya Kim sa ‘TV Patrol’; Jhong muling tatakbo bilang konsehal ng Makati

Therese Arceo - October 02, 2021 - 04:19 PM

MATAPOS ang pamamaalam ni Kuya Kim sa “TV Patrol”, usap-usapan naman ngayon kung sino ang papalit sa kaniya.

Matatandaan na noong 2006 siya naging parte ng programa matapos mamayapa ng dating weather reporter na si Ernie Baron.

Kaya naman sa paglipat niya sa Kapuso station ay hindi maiwasan ng mga netizens na ma-curious kung sino nga ba ang papalit kay Kuya Kim.

Isa na nga sa nabanggit ay ang ANC reporter na si Migs Bustos.

“Andami ko pong nakuhang tweets, messages at follows today na honestly, hindi ko po alam kung saan nanggaling,” kuwento ni Migs sa kaniyang Twitter account noong Setyembre 30.

“Pero nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga nagtweet, nagtanong, at lahat ng sumusuporta. pero, who knows? Diyos lang ang makakasagot nyan. Good night,Kapamilya!” dagdag pa nito.

Ngunit matapos nga ng pormal na pamamaalam ni Kuya Kim ay kinumpirma ng talent manager na si Ogie Diaz sa kaniyang showbiz update vlog na si Migs na nga ang hahalili sa nabakanteng puwesto ni Kuya Kim.

Hindi pa man nga nagsisimula si Migs ay mukhang patok na agad ito sa madlang pipol dahil sa kagwapuhan nito.

Kahit nga si Ogie ay aminadong cute ito dahil na-meet na rin daw niya ito in person.

Kung true man ang chika, parang mas marami na ngayon ang mag-aabang at magiging interesadong manood weather forecast sa TV Patrol.

***

Naghain na ngang muli ng Certificate of Candidacy ang actor-host and politician na si Jhong Hilario.

Ibinahagi nito litrato kung saan hawak niya ang kaniyang COC kasama ang kaniyang pamilya at mga magulang.

“Patuloy na maglilingkod bilang konsehal ng district 1 ng Makati. Team Ube!” saad ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mukha namang mapapatagal pa ang kaniyang pagbabalik sa noontime show nitong “It’s Showtime”.

Matatandaang nagpaalam muna ito sa naturang show para mag-focus sa pagiging bagong ama.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending