Pekeng Brad Pitt naka-scam ng P50-M sa isang babae

Pekeng Brad Pitt naka-scam ng P50-M sa isang babae

Therese Arceo - January 16, 2025 - 05:49 PM

Pekeng Brad Pitt naka-scam ng P50-M sa isang babae

UMABOT ng $850,000 o 49.8 million pesos ang nakulimbat ng mga scammers sa isang babae matapos itong magpanggap bilang si Brad Pitt.

Nakilala ang babae bilang si Anne, isang French, na siyang naging biktima ng mga fraudsters matapos itong paikutin at paniwalain na ang Hollywood actor ang kanyang karelasyon.

Bukod pa rito, inakala rin ng babae na kinakailangan ni “Brad Pitt” ng pera para sa kanyang medical bills kaya ilang beses itong nagpadala ng pera.

Sa naging panayam ni Anne sa French television station na TF1, nagsimula ang scam matapos makatanggap ang babae ng tawag mula sa nagpapanggap na si Jane, ina ni Pitt, na nagsasabing nangangailangan ito ng taong tulad niya.

Baka Bet Mo: Brad Pitt, George Clooney pasiklaban sa aksyon, bibida sa ‘Wolfs’ movie

“At first I said to myself that it was fake, that it’s ridiculous. But I’m not used to social media and I didn’t really understand what was happening to me,” pagbabahagi ng French woman.

Isang araw ay nakatanggap na lang siya ng mensahe mula sa AI version ni Brad Pitt na tinatanong siya kung pwede pa silang magkakilala nang mas malalim.

May mga ipinadala rin daw itong mga tula at vows of love at inalok pa ito ng kasal.

Noong mga panahon na ‘yun ay nasa proseso si Anne ng divorce sa kanyang asawa.

“There are a few men who write to you like that. I loved the man I was talking to. He knew how to talk to women and it was very well put together,” lahad pa ni Anne.

Naloko siya ng scammer sa pamamagitan ng mga pagse-send nito ng mga selfies, pekeng passport, pekeng social media at WhatsApp account sa tulong ng AI image-creating technology.

Noong una raw ay binigyan pa siya ng mga mamahaling handbags kapalit ng pera pero sya rin ang bahalang sumagot ng customs fee na nagkakahalagang €9,000 (543,879 pesos).

Sinabi rin daw sa kanya na pina-freeze raw ang kanyang bank accounts ng real-life ex-wife nitong si Angelina Jolie at wala siyang access rito.

Kinakailangan raw niya ng pera dahil nasa ospital ito dahil sa kanyang kidney cancer at kinakailangan ng pera para sa kanyang treatment.

Nakapagbigay si Anne ng €800,000 (48.3 million pesos) sa isang account sa Turkey matapos makatanggap ng email mula sa isang nagpakilala bilang doktor ni Brad Pitt at sinasabing nakikipaglaban raw ito sa sakit.

Ang naturang scam ay iniimbestigahan na ng mga pulis matapos mag-file report ng report si Anne.

Na-realize lang niya na na-scam siya matapos niyang maispatan ang international celebrity kasama ang bago nitong partner na si Ines de Ramon noong 2024.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagamit si Brad Pitt sa ganitong uri ng scheme.

Limang lalaki ang naaresto ng Spanish police noong September matapos maka-scam ng dalawang babae sa Spain.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending