Maloi and Colet ng BINI ‘graduate’ na ng Senior High School

Maloi and Colet ng BINI ‘graduate’ na ng Senior High School

Pauline del Rosario - June 08, 2024 - 10:43 AM

Maloi and Colet ng BINI ‘graduate’ na ng Senior High School

PHOTO: X/@BINI_ph

NAKAKA-PROUD ang bagong milestone nina Colet at Maloi, ang dalawang miyembro ng sikat na P-Pop girl group na BINI.

Pareho kasi silang nakapagtapos ng Senior High School noong Biyernes, June 7.

Ang masayang balita ay makikita mismo sa social media pages ng grupo habang ibinabandera ang graduation pictures ng dalawa.

Caption sa X (dating Twitter), “Born to win, and born to slay sa school! Baka @bini_maloi and @bini_colet yern?” 

Mensahe pa, “Congratulations on graduating from Senior High School!”

Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: BINI Maloi namigay ng P1k para sa pamasahe ng fan

“You’ve done an amazing job juggling work and school, and we couldn’t be prouder of your achievements!” ani pa sa post.

Mababasa rin ang bahagi ng lyrics ng BINI mula sa kantang “Karera” na ang nakalagay ay: “Laging tatandaan… walang masyadong mabagal, walang mabilis. Buhay ay ‘di karera!”

Ayon sa naging panayam nina Maloi at Colet with ABS-CBN, pareho silang nakatanggap ng special citations for arts, media and entertainment.

Sa kabila rin ng kanilang busy schedules, plano nilang ituloy ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo.

Sabi ni Maloi, nais niyang i-pursue ang kursong may kaugnayan sa multimedia o fine arts, habang si Colet naman daw ay gustong kumuha ng dentistry, pharmacy o kahit na anong related sa medisina.

Maliban sa dalawang dalaga, grumaduate din sa parehong eskwelahan ang BGYO members na sina Gelo, Mikki at JL.

Samantala, ang BINI ay nakatakdang magkaroon ng first-ever solo concert na pinamagatang “BINIverse” na mangyayari sa June 28 hanggang 30.

Noong Marso lamang, ang girl group ay kinilalang “Rising Star” ng Billboard Philippines Women in Music.

Pinasikat nila ang hit songs na “Pantropiko,” “Salamin, Salamin,” “Lagi,” “Huwag Muna Tayong Umuwi,” at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

As of this writing, ang BINI ay umaani ng six million monthly listeners sa Spotify.

Bukod kina Colet at Maloi, ang grupo ay binubuo rin nina Jhoanna, Aiah, Gwen, Stacey, Mikha at Sheena.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending