#SerbisyoBandera: BINI Maloi namigay ng P1k para sa pamasahe ng fan
PINATUNAYAN ng isang Pinoy pop member na siya ay isang “idol” na talaga namang dapat tularan ng maraming kabataan.
Naging magandang ehemplo kasi siya sa maraming tao matapos bigyan ng pamasahe ang isang nangangailangang fan.
Siya si Maloi Ricalde, ang isa sa mga miyembro ng sikat na P-Pop group na BINI.
Viral ngayon sa social media ang isang video na makikita ang ginawang kabaitan ng P-Pop idol sa kanyang fan.
Base sa post, nangyari ito pagkatapos ng isang music fest kung saan nagtanghal din ang nabanggit na grupo.
Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: Delivery rider rescuer, ‘bayani’ ng mga aso’t pusa sa daan
Mapapanood sa maikling video na sinubukang manghingi ng pamasahe ang isang fan kay Maloi para makauwi na siya mula sa event.
Pinansin naman siya ng P-Pop idol at agad na binigyan ng P1,000 at sabay sabing: “Mag-ingat ka.”
Tuwang-tuwa naman ang fan at lubos na pinasalamatan si Maloi.
a ppop idol na bibigyan ka ng pamasahe #bini pic.twitter.com/yuduZPallt
— cali (@saurcali) January 7, 2024
As of this writing, umaani na ng mahigit 2.2 million views ang post at maraming netizens ang pumuri kay Maloi.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“I think ganito dapat i-stan natin… HAHAAHAHAHA”
“I love BINI so much! Get an idol that will give you pamasahe [red heart emojis].”
“#Bini always trends for the most unserious things, I swear. I love them so much. Penge nga ng pamasahe.”
“It’s true that Maloi’s kindness is what makes her truly attractive. 1k para sa pamasahe? Malaking tulong ‘yan hindi lang ‘yan basta pamasahe.”
Umabot pa nga sa Korean news media outlet na “Koreaboo” ang nakakaantig na interaction ni Maloi at ng kanyang fan na talaga namang ikinagulat ng P-Pop idol.
Shinare ni Maloi ang published article ng nasabing news outlet, kalakip ang caption na: “WHAT IS HAPPENING?!?!???”
WHAT IS HAPPENING?!?!??? https://t.co/iADWZVyS5r
— Maloi Ricalde ౨ৎ (@bini_maloi) January 8, 2024
Ang BINI ay may pito pang miyembro na sina Aiah Arceta, Colet Vergara, Gwen Apuli, Stacey Sevilleja, Mikha Lim, at Sheena Catacutan.
Nabuo ang grupo under ABS-CBN at Star Hunt Academy, na kung saan sila nag-training.
Sa mga nais mag-share ng mga nakaka-inspire na istorya, o kaya naman gustong dumulog o humingi ng tulong, lalo na sa mga nawawalang mahal sa buhay o kahit anong public service announcements, huwag mag-atubiling mag-message sa social media pages ng BANDERA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.