Sheena nilaglag ang BINI, sino ang mahilig umutang at manlibre?
ALIW na aliw na naman ang mga netizens sa pang-e-expose ni BINI Sheena sa bawat member ng nation’s girl group na BINI kaugnay sa pangungutang at panlilibre.
Agad ngang nag-viral ang ginawang thread ng dalaga sa X (dating Twitter) na pantitimbog sa mga kasamahan na sina Aiah, Colet, Gwen, Jhoana, Maloi, Mikha, at Stacey.
Inisa-isa nga ni Sheena ang pagre-rate o pagbibigay puntos sa ugali ng BINI members patungkol sa topic sa kaperahan.
“Rating BINI Members: Utang/Libre Edition,” panimula ng dalaga.
Baka Bet Mo: BINI Sheena sa mga nangnenega sa ‘Eyyy’ trend: Huwag na lang makinig
View this post on Instagram
Inuna na nga niya ang isa sa mga nasa “Ate line” na si Aiah Arceta.
“AIAH – 2/10 sa limang taon naming pag sasama, isang beses palang ata siya nanlibre samin so halos wala ako ma-rate sakanya. 2 pts nalang kasi mabait naman siya as a person, d lang siguro pala libre,” saad ni Sheena.
Sumunod naman dito ang isa pang nasa “Ate line” na si Colet Vergara.
Hirit ni Sheena, “COLET – [infinity sign]/10 DESERVE NIYA NG SARILING APPRECIATION POST <3 ginawa ko tong thread para lang talaga sakanya. si ate colet ang pinaka mabait at mayaman namin na friend. kahit ayaw niya manlibre wala siya nagagawa dahil card niya lang gumagana at phone niya lagi ginagamit pang order ng food online.
“di siya nag lilista ng mga utang sakanya kaya nakaka limutan nalang niya at eventually nagiging libre nalang kasi nga nakalimutan na niya.”
Aliw rin ang pang-aansya niya sa kanyang Ate Maloi Ricalde.
“MALOI – 3/10 3 out of 10 para i love you kahit gaano kababa irate ko sakanya okay lang kasi ako bias niya at kikiligin siya dahil nag i love you ako sakanya.”
Halata naman ang tila favoritism ni Sheena sa kannyang hambebe nasi Gwen Apuli.
“GWEN – …/10 yung rate ko kay bebe loading palang. someday mararate ko din siya pag nanlibre na siya samin. deserve niya ng multiple chances, wala dapat pressure pag dating sakanya. trust her own timing.”
Binukayo naman ni Sheena ang kanilang princess na si Stacey Sevilleja na madalas nagiging libre kapag sa phone niya nagpa-order.
“STACEY – 10/10 minsan phone din ni staks gamit pang order tas hinihintay namin isend niya kung tig magkano kami, yun pala tinamad na siya maningil so libre niya nalang daw.”
Highlighted naman ang pagiging non-chalant ni Mikha Lim sa hirit ni Sheena.
“MIKHA – 8/10 pag wala gusto mag alay ng phone para umorder, phone niya binibigay niya para tumahimik na daw kami kasi ang ingay na daw namin. pero ang catch, d siya nakaka limot ng utang so need mo talaga mag bayad.”
Samantala, umabot naman ng 5 ang score niya sa kanilang leader na si Master Jhoanna Robles.
“JHOANNA – 5/10 lagi naman siya nanlilibre kaso ayoko yung halos araw araw niya sinesend yung list ng mga may utang sakanya. masyado siyang organized nakaka pressure mag bayad. kasalanan naman namin kasi nakisuyo kami sakanya na siya muna mag bayad pero nakaka ano kasi siya eh, ah basta may something kay ate jho na gusto namin idelay yung bayad sakanya para mas lalo siya mainis.”
At hindi naman papahuli ang rating ng dalaga sa kanyang sarili.
“SHEENA – 7/10 ay beh pag may hugutan ng card kung sino manlilibre, laging card ko nakukuha ewan ko ba. labag sa loob ko manlibre pero ano pang choice ko nabunot na card ko. pero minsan pag good mood ako nanlilibre ako bigla pero deep inside same kami ni ate jho na nililista mga utang ng ibang girls tas sinesend agad sa gc HAHAHAHAHA.”
Para sa mga hindi aware, si Sheena Catacutan ang main dancer at sub-vocalist ng BINI. Siya rin ang pinakabata sa grupo at itinuturing na bunso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.