BINI Sheena trending, nag-mukhang Laida Magtalas version 2.0?
VIRAL ngayon pagbandera ng pinakabunso ng BINI na si BINI Sheena Catacutan sa kanyang bagong hair cut.
Sa latest social media post ng nation’s P-pop group kung saan dumalo sila sa year-end party ng isang brand, makikitang maikli na ang dating mahabang buhok mg dalaga.
Agad nga itong nag-trending sa X (dating Twitter) dahil manghang-mangha at aliw na aliw ang mga fans at supporters ni Sheena dahil naging kamukha nito ang karakter ni Sarah Geronimo sa pelikulang “It Takes A Man and A Woman”.
Kaya naman kasunod ng pag-trend ng BINI member ay ang oag-trend rin ni Laida Magtalas.
Baka Bet Mo: BINI Sheena sa mga nangnenega sa ‘Eyyy’ trend: Huwag na lang makinig
View this post on Instagram
“Kahit anong gupit mo napakaganda mo talaga Sheena! Eyy ka muna,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “This is Laida Magtalas version 2.0. Wiser. Braver. Stronger. Bolder. Fiercer”
“Laida Magtalas version 2.0 ang atake ni bebe sheena namin na yaaaaan,” sabi pa ng isa.
Chika ng isa, “Sarah is that you??”
“SARAAAHHHHH G is that you?”
“This is not Sheena. This is Laida Magtalas 2.0,” hirit naman ng isa.
Para sa mga hindi Aware, si Sheena ang itinuturing na pinakabunso sa grupo ng BINI. Siya rin ang nagsisilbing main dancer at sub-vocalist sa grupo.
Siya rin ang nag-choreograph ng dance steps ng sikat na kantang “Pantropiko”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.