Nawalang PWD sa QC natagpuan sa Laguna after 15 days

#SerbisyoBandera: Nawalang PWD sa QC natagpuan sa Laguna after 15 days

Pauline del Rosario - November 10, 2023 - 03:10 PM

#BanderaSerbisyo: Nawalang PWD sa QC natagpuan sa Laguna after 15 days

PHOTOS: Courtesy Facebook/Noel Adarna Tolentino

FOLLOW-UP ito sa ibinandera namin tungkol sa nawalang PWD (person with disability) na si Michael Justine Tolentino o mas kilala bilang MJ na residente ng Barangay Project 6 sa Quezon City.

Kung matatandaan noong October 21, nag-umpisang hanapin si MJ ng kanyang ama na si Tatay Noel at huli siyang nakita sa Barangay Hall kung saan madalas maglagi ang binata.

At heto na nga, after 15 days ay natagpuan na si MJ sa Laguna!

Pinuntahan at nakausap ng BANDERA si Tatay Noel at inihayag niya sa amin kung gaano siya kasaya na nakasama na ulit niya ang kanyang anak.

“Relieved tapos siyempre maligaya ka and finally nakita ko,” sagot sa amin ng ama nang tanungin namin kung ano ang pakiramdam niya na ligtas ang kanyang anak.

Paliwanag pa niya, “Siyempre, medyo na-relieve ang stress ko. Kasi 15 days e. So mga more than two weeks, nawawala.”

Baka Bet Mo: Matet nakiusap para sa mga PWD na hindi nakikita ang disability: ‘Ang isyu ko lang…respeto naman’

Nakwento rin sa amin ni Tatay Noel kung paano nagtagpo ang landas nila ng anak sa pamamagitan ng social media.

“Pinost ng nakakita sa Laguna sa Brgy. Matalatala, pinost doon [sa Facebook] na may nawawala ngang bata. So ‘yung friend ‘nung taga-PYM (Parish Youth Ministry) na si Christian Galler, parang namukhaan niya. So [shinare] niya naman, [then] minessage [ng nakakita] si Christian. Si Christian naman ang nagsabi sa akin…So ‘nung pinakita niya ang picture, sabi ko ‘ito na nga.’ Kasi same talaga, siyang siya,” paglalahad niya.

Patuloy niya, “Agad kaming pumunta ng Brgy. Matalatala para makuha kasi nag-iwan na ng message si Mr. Bocaboc (ang nakakita kay MJ).”

Lubos ang pasasalamat ni Tatay Noel sa mga nag-alaga at kumupkop kay MJ na sina Nick Viterbo Bocaboc, Nanay Rosy, Meanne, pati na rin ang kagawad ng Brgy. Matalatala na si Buddy.

“May waiting shed daw doon [sa tabi ng bahay ni Nick], siguro a couple of days binibigyan lang siya ng pagkain,” kwento niya.

Patuloy niya, “So ‘nung napansin nilang hindi umaalis, tapos parang pagod na, dinala na ng nakakita sa bahay nila kasi binu-bully na ng mga bata, pinaglalaruan. So pinakain, pinalitan ng damit, pinaliguan, tapos binigyan ng bagong sapatos.”

Mensahe ni Tatay Noel, “Maraming salamat at may magagandang kaluluwa pa, may mabubuting tao pa po na gumagawa ng kabutihan para sa kapwa.”

“Mahirap kumupkop ng hindi kilala at alam ko ‘yan at tsaka nakakatuwa po na binigay niyo ‘yung bahay niyo, binigyan niyo siya ng damit, pinakain niyo at higit sa lahat, nagbigay po kayo ng pagmamahal sa bata kahit na medyo alam niyong PWD nga,” ani pa niya.

Para sa mga hindi pa masyadong aware, si MJ ay may deperensya sa pagsasalita at paglalakad.

Sa huli ay umaasa si Tatay Noel na magiging inspirasyon sa iba ang pinagdaanan nila ni MJ.

“Sa mga nawawalan ng mahal sa buhay, kung talagang gusto niyong makita, do not stop kasi nasa kamay na ng Diyos ‘yan, sa mahal nating Panginoon. At kung ibibigay niya ulit, ibibigay niya ‘yan,” saad niya.

“Huwag po kayong tumigil ng kakahanap. Gawin niyo po ang lahat. Kahit marami ngayon ang nang i-scam, humihingi ng pera, pabayaan niyo po ‘yun. Basta isipin niyo, makikita at makikita niyo,” wika niya pa.

Sa mga nais dumulog o humingi ng tulong, lalo na sa mga nawawalang mahal sa buhay o kahit anong public service announcements, huwag mag-atubiling mag-message sa social media pages ng BANDERA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Karla Estrada kinastigo ang nanglait sa isang PWD, netizens umalma: Wag kang magmalinis!

Matet de Leon isa nang PWD, nakaranas ng ‘pagtataboy’ sa priority lane: ‘Hiyang hiya ako, pati sa sarili ko’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending