23-year-old na PWD mula QC ilang linggo nang nawawala

#SerbisyoBandera: 23-year-old na PWD mula QC ilang linggo nang nawawala

Pauline del Rosario |November 04,2023
facebook
share this

#SerbisyoBandera: 23-year-old na PWD mula QC ilang linggo nang nawawala

Pauline del Rosario - November 04, 2023 - 02:27 PM

23-year-old na PWD mula QC ilang linggo nang nawawala

HINAHANAP ngayon ang 23-year-old na lalake na nawawala na ng dalawang linggo.

Siya si Michael Justine Tolentino o mas kilala bilang MJ na residente ng Barangay Project 6 sa Quezon City.

Kamakailan lang ay dumulog na sa radyo ang kanyang ama na si Noel Tolentino upang matulungan siyang mahanap ang nawawalang anak.

“Nananawagan po ako na baka napadaan o may nakakita, may kumupkop po sa aking anak na si Michael Justin. Mas kilala po siya as MJ,” sey niya.

Paglalarawan pa niya, “Isa po siyang PWD, 23 years old na. Medyo nahihirapang magsalita at mapapansing nahihirapan na ring maglakad. Parang nakatingkayad lagi.”

Baka Bet Mo: DOJ pinabulaanang nawawala ang rape case folder ni Vhong Navarro: Records are still intact

Noong October 21 pa hinahanap si MJ at huli siyang nakita sa Barangay Hall ng kanilang lugar.

“Actually, nasa barangay hall [ng Project 6] po siya ng mga 11:00 a.m. bago po mag tanghali,” sagot ni Tatay Noel.

Dagdag niya, “Ang usual na route naman po kasi niya is simbahay, bahay, barangay hall, simbahan – so andoon lang po siya, within the community. Kilalang-kilala po siya sa simbahan dahil halos laging nagsisimba nga.” 

“Nataon lang na noong Saturday may mga nangangampanya, may house to house eh excited po siya kapag may events na ganun. So nataon po na meron akong work ‘nung mga time na ‘yun,” kwento ni tatay.

Patuloy niya, “Medyo nasama yata, siguro may isang grupo na nakita na napasama. So after ‘nun po, may reports na nakita siya sa Sanville, sa Barangay Culiat sa court doon, pero kasi by that time hindi pa namin alam na nawawala.”

Ang huling suot, aniya, ni MJ ay naka-orange t-shirt, maong pants at slippers.

Nang tanungin si Tatay Noel tungkol sa karamdaman o kondisyon ni Noel, “‘Yung pag-intindi niya po, medyo mabagal. Though naiintindihan niya [pero] kapag magpo-process medyo matagal.”

“Tapos may speech deficiency po, pero may words naman na nabibigkas niya pero mahirap intindihin,” sambit pa niya.

Para sa mga nakakita o may impormasyon na kinaroroonan ni MJ, maaaring makipag-ugnayan sa Project 6 Barangay Hall.

Magtext o tawagan ang mga numerong ito: 09752948030 / 83765824

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Read more:

Diego kay Cesar: I’m proud to be your son! Sinasabi ko nga lagi, kailangan kong maging kasing-tibay ng tatay ko!

Rabiya looking forward sa muling pagsali ni Kisses sa MUPH; MJ humanga sa bait ng dalaga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending