Karla Estrada 2 years na binebenta ang bahay sa QC

Karla Estrada 2 years na binebenta ang bahay sa QC: ‘Namimili kasi ako’

Pauline del Rosario |May 13,2024
facebook
share this

Karla Estrada 2 years na binebenta ang bahay sa QC: ‘Namimili kasi ako’

Pauline del Rosario - May 13, 2024 - 07:22 PM

Karla Estrada 2 years na binebenta ang bahay sa QC: 'Namimili kasi ako'

PHOTO: Instagram/@karlaestrada1121

TOTOONG for sale ang bahay ni Karla Estrada na nasa Quezon City.

Kinumpirma ito mismo ng celebrity mom sa isang YouTube interview kasama ang batikang journalist na si Bernadette Sembrano.

Naikwento pa nga ni Karla na ito ang isa sa pinakalumang bahay nila na kung saan ay taong 2014 pa sila tumira ng kanyang pamilya.

Ang nasabing bahay ay katabi ng tahanan ng kanyang anak at aktor na si Daniel Padilla.

“Ito ‘yung bahay na pinag-uusapang for sale,” chika ng ina ni DJ.

Baka Bet Mo: Carla Abellana sa bashers ng binebentang pre-loved items: ‘Grabe kayo!’

Kwento pa niya, “Two years nang for sale ito, pero hindi lang namin push na push.”

“Kapag may gusto lang, tsaka namimili ako eh kung sino ang pwede dahil siyempre, ako talaga nagagandahan sa bahay ko na ito, pero masyado nang malaki para sa akin mag-isa,” paliwanag pa niya.

Humirit naman si Bernadette at sinabing, “ang bilis mo mag-let go.”

Sumang-ayon naman diyan si Karla at sinabing: “Pag na-enjoy mo naman na ‘yung isang bagay, pwede naman na [i-let go] kasi nagbabago na ang pananaw mo sa buhay.” 

Kasunod niyan ay tila inisa-isa na niya ang ilan sa mga rason kung bakit niya ito binebenta, bukod pa sa dahilan na mag-isa nalang siya sa bahay.

“Gusto kong mag-south ngayon kasi nandoon ang mga friends ko and then para sa akin, kung mag-umpisa man ako ng kung ano man ang uumpisahan natin sa Region 8 eh malapit na ‘yung south, malapit na sa airport,” paliwanag niya.

Ani pa niya, “See, lahat may dahilan.”

Well, alam naman natin na sakop ng Region VIII o Eastern Visayas ang kanyang hometown na Tacloban City at may mga nabalita na noon tungkol sa kanyang pagpasok sa pulitika sa nasabing probinsya.

Hindi natin alam, pero baka sumubok muli ang celebrity mom bilang may nabanggit siya sa panayam kay Bernadette.

Anyway, nitong Enero lamang nang maging usap-usapan sa social media ang chikang pagbebenta ng mag-ina sa kanilang bahay sa QC.

Ayon sa showbiz insider na si Ogie Diaz, nakita niya ang isang IG post na ibinebenta ang 500 sqm. na bahay ng mag-ina na nagkakahalagang P50 million.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mayroon, aniya, itong limang bedrooms, hanggang anim na car garage, at marami pang amenities.

“Alam mo swerte sila kapag nabenta nila yan ng P50M kasi mayroon tayong tinatawag na prominence, ‘yung history ng property,” sey ni Ogie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending