Karla bet lumipat sa ibang lugar kaya binebenta ang bahay?

Karla Estrada bet lumipat sa ibang lugar kaya binebenta ang bahay?

Therese Arceo |January 19,2024
facebook
share this

Karla Estrada bet lumipat sa ibang lugar kaya binebenta ang bahay?

Therese Arceo - January 19, 2024 - 04:01 PM

Karla Estrada bet lumipat sa ibang lugar kaya binebenta ang bahay?

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang pagbebenta nina Daniel Padilla at Karla Estrada na kanilang bahay sa Quezon City.

Sa latest episode nga ng “Showbiz Update” vlog ni Ogie ay napag-usapan nila ang nakita niyang IG post kung saan ibinebenta ang naturang bahay nina DJ.

“Binebenta na ba nila Karla Estrada at Daniel Padilla ang bahay nila sa QC?” tanong ni Ogie.

“Kasi nga Loi, nandun sa IG. Aba’y nakapaskil dun ang bahay ni Karla sa QC na may 6 bedrooms, five to six car garage tapos andami pang mga amenities, 500sqm lot, and then yung ending dun nakalagay, P50M.

“Alam mo swerte sila kapag nabenta nila yan ng P50M kasi mayroon tayong tinatawag na prominence, ‘yung history ng property,” pagpapatuloy ni Ogie.

Aniya, paniguradong iisipin ng mga tao kung saan titira ang pamilya nina Karla at baka naghihirap na ang mga ito.

Baka Bet Mo: Karla Estrada umalma sa ‘quote card’ na dinepensahan si Daniel Padilla: ‘Fake po ito!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“My goodness. Alam n’yo, ang importante, may ibebenta. Anong gusto n’yo, may ibebenta o gustong magbenta pero walang ibebenta?” sey ni Ogie.

Ang alam daw niya, nais nang lumipat ni Karla ng tirahan kaya siguro ibinebenta na ang bahay.

“Ang alam ko kasi parang gusto ni Karla na ibenta na talaga ‘yung bahay kasi gusto na niyang lumipat sa bandang South,” sabi pa ni Ogie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chika ni Brenda, baka raw nais ibenta ang bahay dahil sa dami ng issues ng mga ito sa buhay.

“Kung ‘yun man ang rason nila, pwede rin naman. Kasi may mga ganong tao di ba na kapag sa isang place, ang daming dumating na problema, nagkakaroon sil ng feeling na parang hindi na magaan ang bahay,” lahad pa ni Ogie.

Samantala, wala pa namang pahayag ang partido nina Karla at Daniel hinggil sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending