Karla umalma sa ‘quote card’ na dinepensahan si Daniel Padilla

Karla Estrada umalma sa ‘quote card’ na dinepensahan si Daniel Padilla: ‘Fake po ito!’

Pauline del Rosario |December 03,2023
facebook
share this

Karla Estrada umalma sa ‘quote card’ na dinepensahan si Daniel Padilla: ‘Fake po ito!’

Pauline del Rosario - December 03, 2023 - 10:31 AM

Karla Estrada umalma sa ‘quote card’ na dinepensahan si Daniel Padilla: 'Fake po ito!'

PHOTO: Facebook/Karla Estrada

MARIING itinanggi ng TV host-actress na si Karla Estrada ang kumakalat na social media quote card na kung saan ay ipinagtatanggol niya ang anak na si Daniel Padilla.

Ito ay ilang araw matapos ang kumpirmasyong hiwalay na ang aktor sa award-winning actress na si Kathryn Bernardo.

Sa Instagram, ibinandera ni Karla ang nasabing quote card at ang nilalaman nito ay ganito:

“Hindi cheater ang anak ko! My son is not perfect, but he’s learning and growing. People make mistakes, and it’s crucial to understand the context and the effort he’s putting into becoming a better person.”

Kalakip niyan ay nilinaw na nga ng TV host na hindi siya ang nag-post at gumawa nito.

“Fake po ito,” wika ni Karla na tinutukoy ang nasabing quote card.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin hinamon si Karla Estrada: Magharap-harapan kami ng aking source

Sey pa niya, “Wala akong ganitong post at hindi ako ang gumawa ng ganitong post.”

Sinabi rin ng batikang aktres na kasalukuyan na nilang hinahanap kung sino ang gumawa nito.

“Amin na pong iniisa-isa ang mga accounts ng mga mapanirang tao na gumagawa ng mga ganito,” sambit niya sa IG.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)

Magugunitang matapos ang official statement nina Kathryn at Daniel patungkol sa breakup nila ay nag-post si Karla ng isang throwback picture na kung saan ay makikitang kasama niya sina Kathryn at Daniel.

Ang caption pa niya riyan, “We love you both.”

Mahigit 500,000 ang nag-react sa nasabing post at kabilang na riyan ang ilang sikat na personalidad kagaya nina Karen Davila, Ruffa Gutierrez, Vina Morales, DJ Chacha, Eruption Tai at marami pang iba.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)

Kung maaalala, bago pa magsalita sina Kathryn at Daniel ay pinalagan ni Karla ang kumakalat na balita ukol sa breakup ng dalawa.

Ito ay matapos kumalat ang balita na mismong siya ang nagkumpirma na hiwalay na ang kanyang anak na si Daniel sa dyowa at ka-love team nitong si Kathryn.

Ang nag-report nito ay ang kolumnistang si Cristy Fermin na ipinalabas sa kanyang YouTube vlog na “Showbiz Now Na” kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez.

Ayon pa nga kay Nanay Cristy, mismong si Karla ang umamin sa kanyang source.

“Okay nandito na tayo ngayon sa pinaka-buod ng kuwentong ito na kami pong tatlo (Romel Chika at Wendell) ay maninindigan na hiwalay na po talaga si Daniel Padilla at si Kathryn Bernardo,” sambit ng kolumnista.

Pagbabahagi pa niya, “Umamin na po si Karla Estrada sa isa niyang kaibigan na wala na, tapos na!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakarating ‘yan sa ina ni Daniel at agad niya itong itinanggi at sinabing fake news.

“Ito po ay walang katotohanan. Kailan man ay hindi ko panghihimasukan o pangungunahan ang personal na buhay ng mga anak ko,” saad ni Karla.

Ngunit makalipas ang ilang araw, noong November 30 ay kinumpirma ni Kathryn ang matagal nang usap-usapang break na sila ni DJ matapos ang 11 years nilang pagsasama.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending